^

Pang Movies

Kapuso at Kapamilya stars nagsama-sama sa kasal ni Sheena sa abogado!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kapuso at Kapamilya stars nagsama-sama sa kasal ni Sheena sa abogado!

Sunud-sunod ang pagpapakasal ng mga artista at celebrities. Nauna ngayong love month, on February 9, 2020, sina Kapuso stars Juancho Trivino at Joyce Pring. Sinundan ito ng Kapamil­ya stars na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, sa isang civil wedding ceremony last Thursday February 20, at last Sunday, February 23, si Kapuso star Sheena Halili at Atty. Jeron Manzanero ang kinasal in a garden wedding sa The Blue Leaf Cosmopolitan in Quezon City.

Halo ang guests nilang Kapuso at Kapamilya stars. Naging secondary sponsors sina Marian Rivera (candle), Camille Prats (veil) and Jennylyn Mercado with Pasig City Mayor Vico Sotto (cord).

Naggagandahan ang Kapuso bridesmaids ni Sheena na sina Starstruck Katrina Halili at Chariz Solomon at sina Glaiza de Castro at Maine Mendoza.

May Instagram story post si Maine na naging bestfriend niya si Sheena noong ginagawa nila ang teleserye  nila nina Alden Richards na Destined to be Yours ang photo nila na parang umiiyak si Sheena na inaalo ni Maine. Caption ni Maine: “Dinadasal lang natin na magkaboyfriend ka, pero ngayon may asawa ka na. Happy for you, always. Congrats and best wishes!”

Aiko handang tumulong sa Kapamilya kahit nasa GMA na

Sinagot na rin ni Aiko Melendez ang bashers niya tungkol sa pagsasalita niya about sa ABS-CBN shutdown. Isa sa mga message na binalikan niya at sinagot ang isang netizen.

“Why are we pleased with others misfortunes??? The emotion of pleasure in one’s misfortunes is an evil act.  It is considered to be less acceptable than envy.  Which is regarded as deadly sin. I was bombarded with messages in my IG account regarding my stand in ABS-CBN’s shutdown. To quote some, Ms. Aiko ba’t ka nagpopost ng ratings ng Prima Donnas na mas mataas kayo sa kabila ‘tas you are supporting ABS?

“My reply was, it is not about whose who anymore, ratings, who is better. It’s for humanitarian reasons too why this is my stand. A lot of people will lose their jobs. And some of them I have worked with, so my heart bleeds for them. Wag tayong maging mababaw sa oras na ganito. I will never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA-7 still marami ang mawawalan. Sana malinaw tayo sa ganyan. Ma­dami akong kaibigan also sa ABS-CBN. And while our network GMA-7 has never taught their talents to be happy about this current situation of their rival network. In fact they sympathize with them too. It’s evident unspoken agreements. Iisang industry kami natural lang we got each other back.”

Tama naman si Aiko, biro nga niya, masama lamang ang character na ginagampanan niya bilang isang kontrabida sa Prima Donnas as Kendra, pero handa siyang tumulong sa mga katulad niyang nasa iisang industriya.

Napapanood ang Prima Donnas after ng Magkaagaw.

SHEENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with