Gladys itutuloy na ang pagpapa-workshop sa mga gustong maging kontrabida, may sosyal na catering business na rin
Ang sosyal ng Sommereux (So-Me-Ru) catering business ng mag-asawang Christopher Roxas and Gladys Reyes na nagkaroon ng official launching kahapon sa 38 Events Place ni Mother Lily Monteverde.
Mapapa-wow ka sa ganda ng set up at sarap ng mga food.
Ayon kay Gladys, plinano nila ito dahil simula nang magkaroon sila ng restaurant (Estela in Marikina), ang dami nang inquiries kung kailan ba sila makaka-experience ng mga food nila sa Estela.
“Eh si Christopher talaga graduate ng Culinary Arts, Chef siya so ‘yun pang experiences niya sa French cuisine. Eh ako naman Pampagueña. So talagang pareho kaming nagluluto,” sabi ni Gladys kahapon nang maka-chika naming bago pa man nagdatingan ang mga invited guest niya sa launching ng Sommereux.
Sa sobrang hands-on nga niya, siya mismo ang nag-i-invite sa lahat ng bisita nila kahapon.
May mga naka-assign silang events consultant – weddings & renewals, birthday & coming of age, celebrations & parties, in case na kailangan ninyo ang Sommereux.
Puwede silang ma-contract through their Facebook and Instagram @sommereuxcatering na ang sasagot sa inyo ay mismong ang actress.
Anyway, bukod sa restaurant and catering, plano na rin niyang simulan this summer ang workshop para sa mga aspiring kontrabida.
Yup, hahasain niya ang mga gustong matutong maging effective antagonist sa pelikula at TV shows or maging sa digital movies, tulad niya.
“Hopefully this summer na talaga.”
Malamang na sa Estela rin ang maging venue nila.
Congrats Christopher and Gladys.
May linaw na ba? Sec. Panelo pinatatrabaho sa congress ang franchise renewal!
Ilang tulog na lang March 30 na. Kaya naman windang na ang marami kung anong magiging kapalaran ng franchise ng ABS-CBN sa Congress.
Na pinagugulo pa sa iba’t ibang statement ng marami.
Kahapon ay ang Presidential spokesperson na si Sec. Salvador Panelo ay nagsabi na trabaho talaga ng Kongreso na talakayin ang application ng franchise renewal ng Channel 2.
Nauna nang nagbigay ng statement si Sen. Franklin Drilon sa ginanap na joint session para naman sa extension ng nasabing franchise hanggang sa 2022.
So ano ba talaga? May renewal ba kahit ‘di pinapasa sa Congress?
Nauna nang sinabi ng isang ABS-CBN insider na handa silang magsara sakaling wala talagang mangyari sa inaapela nilang franchise renewal. Wala raw sa plano nila ang ibenta ang network.
Tututukan na lang diumano ng network ang pagiging content provider sa ibang network, digital platform at paggawa ng pelikula.
Abangan…
- Latest