^

Pang Movies

Gladys at Christopher, pinasok na rin ang catering business

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gladys at Christopher, pinasok na rin ang catering business
Gladys at Christopher

Bongga si Gladys Reyes ha, Salve. Meron na silang catering business ng asawang si Christopher Roxas at talagang tututukan nila ito at seryosong patatakbuhin.

Chef kasi si Christopher na nung una okay lang sa itinayo nilang resto na Estela, pero dahil sa dami ng gustong magpa-cater at gusto rin nilang mabigyan ng trabaho ang maraming bagong graduate ng culinary na nag-apply sa kanila, nag-decide sila na mag-expand sa catering business.

By nature may business acumen si Gladys kaya hindi na ako nagtaka na pumasok siya sa catering business, at sa kulit ni Gladys, hindi ako magtataka kung marami siyang maging customers among showbiz. Hahaha, at pag natikman ko na masarap ang food nila, iyon na, dapat meron akong supply nito, ‘di ba Gladys at Christopher? Or else, pabibili ako lagi kay Gorgy hahaha. 

Pag-ubo ni Mike sa news program, inaabangan ng mga tsuper

Alam mo Salve, TV Patrol ang favorite kong news program noon. ‘Di ba ang TV Patrol ang parang tabloid sa balita dahil very sensational sila sa mga balita nila.

But lately, ang 24 Oras na ang pinapanood ko dahil parang mas magaan makinig ng balita kila Mike Enriquez, Mel Tiangco at Vicky Morales.
No frills ang mga balita nila, walang pasabog at maganda ang script. Pati sa showbiz news gusto ko iyon mga balita nina Lhar Santiago at Nelson Canlas. Saka kahit nga iyon pag-ubo ubo ni papa Mike Enriquez ok lang at para nga yata dagdag pa iyon sa rating, hahaha. Iyon bang minsan nakikinig ako na hinuhulaan ng mga drivers na watching ng 24 Oras iyon ‘hayan na uubo na si Mike’ kaloka di bah! Bahagi na ng ating addiction sa panonood ng TV ang news, kaya dapat talaga maganda rin ang presentation. Pero fave ko rin sila Noliboy de Castro at Ted Failon. Mas lamang lang ang 24 Oras. 

Pia at Terrence, nakaka-miss din!

Naku ha, miss ko na si Terrence Romeo dahil hindi nagpaparamdam lately ang mahal nating si Pia Romeo. Excited pa naman akong mabalitaan kung ano na ang nangyari sa resto business nila na chicken ang specialty dahil nga dun sa narinig ko na may peste raw na dumarapo sa mga manukan ngayon.

Hindi lang business ng baboy ang affected dahil sa ASF, meron din daw bird flu or something.

Ano ba iyan, daming nakakawindang na pangyayari kaya na-miss ko tuloy ang mga friend natin na sila Terrence at Pia Romeo. Natutuwa ako na malaman na si Pia pala ang tumulong kay Nap G. nang magkasakit kaya lalong napamahal siya sa akin.

Sana nga hindi affected ang business nila sa mga nagaganap na peste ng baboy at manok. Mahusay na businesswoman pa naman si Pia kaya sure ako anuman mangyari, magsu-survive at magiging success ang business nila.

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with