^

Pang Movies

Ibinandera ang intimate apparel ng sikat na brand Nadine lume-level sa mga super model na sina Hailey Baldwin at Kendall Jenner!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ibinandera ang intimate apparel ng sikat na brand Nadine lume-level sa mga super model na sina Hailey Baldwin at Kendall Jenner!

Nagtatanungan kahapon kung lume-level ba si Nadine Lustre sa misis ni Justin Bieber na super model na si Hailey Baldwin Bieber.

Kahapon kasi ay nag-upload si Nadine ng #MyCalvin suot ang intimate apparel ng  nasabing international brand.

Hindi nga naman basta ibabandera ni Nadine ang nasabing brand kung wala lang ‘yun.

Si Hailey ang isa sa official endorser ng intimate apparels ng nasabing sikat na brand.

Isa pang sikat na partner ng CK si Ken­dall Jenner, sina Kourtney, Kim, Khloe, and Kylie Kardahsian.

So official ba ang pagiging partner ni Nadine sa CK?

Ruru hinihintay maging open tungkol kay Bianca

In all fairness, maganda ang simula ng bagong taon ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid kasabay ng ni-release nitong  single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang Maghihintay.

Sa komposisyon ni Mark Atienza, ang Maghihintay ay awit ng isang lala­king handang hamakin ang lahat kahit na maghintay nang matagal para sa tamang panahon na makasama ang babaeng minamahal.

Ibinahagi ni Ruru na nakakakilig at relatable ang kantang ito, “Hindi siya hugot na masakit, makakapagbigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay.”

Noong nakaraang taon, nakapaglabas na rin siya ng kanyang debut single sa GMA Music na may title na Nawawala.

Sa ngayon, naghahanda na rin si Ruru sa kanyang pagbabalik sa TV sa program ng News and Public Affairs na Lolong kung saan makakasama niya ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Kim Domingo.

By the way, ang Maghihintay ay puwede na mapakinggan at available na sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

Eh ang lovelife kaya ni Ruru kumusta naman?

Kung kasi walang official confirmation si Ruru sa kanila ni Bianca Umali, kabaliktaran naman ito kay Bianca na inaamin na happy ang puso niya.

vuukle comment

HAILEY BALDWIN BIEBER

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with