^

Pang Movies

William nagpaka-taklesa kay Snooky!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, sa interview ng ilang entertainment press kay William Martinez sa presscon ng isang pelikula, isa sa mga naikuwento niya ay ‘yung pagpapadala ni Snooky Serna ng message sa kanyang Facebook account.

Nagyayaya raw si Snooky na mag-lunch dahil bored ito at nasa abroad ang best friend niyang former vice governor ng Bulacan na si Mon Villarama na boyfriend ng aktres.

Nasabi pa raw ni William kay Snooky hindi puwede ‘yon dahil mag-best friend nga sila ni Mon, kaya manigas daw ang aktres!

Nagpaliwanag naman ang aktor na hindi siya naglagay ng malisya sa imbitasyong ‘yon ni Snooky, inunahan na lang daw niya ang mga tao na nagde-“date” sila.

Ang mga tao raw ang may malisya.

Pero dahil sa ganoong kuwento ni William, may mga bigla tuloy nag-iisip at nagkaroon ng malisya.

May isang entertainment editor nga na nagtanong sa akin, “Ano ang reaksyon ng friend mong si Snooky sa sinabi ni William sa isang interview?”

Kahapon nga ay tinawagan ko si Snooky at tinanong tungkol doon.

Ipinauna na ng aktres na naka-speaker kami at kasama niya si Mon at dinig nito ang lahat ng mga pinag-uusapan namin.

Ayon sa aktres, may mga nagparating na sa kanya ng tungkol doon.

“Jun Lalin, we’re friends, kaya ok lang na sagutin ko ang tanong mo tungkol diyan. “Yes, wala talagang malisya ‘yon dahil kuya ang turing ko sa kanya (William). Kilala mo naman ako, lahat naman kayo, kapag kausap ko, niyayaya ko na mag-coffee.

“Palagi naman akong ganoon sa mga kaibigan. Comfortable ako na mag-invite sa kanya dahil kaibigan ko nga siya. Kuya ang turing ko. Walang masama sa bagay na ‘yon.

“Pero kung sinasabi niya na naisip niya ang sasabihin ng mga tao, walang problema sa akin.

“Ngayon naman na may sinasabi ang mga tao dahil nagkuwento siya ng ganoon, what I can say is, tama siya na walang malisya. Kung may magbibigay ng malisya, I don’t have to explain dahil alam ko ang totoo, alam din ng mga nakakakilala sa akin!” sey ni Snooky.

Actually, alam din naman ni Mon kung gaano kabait ang kanyang girlfriend, so, wala talagang issue sa sinabing ‘yon ni William, ‘noh?!

Sa pagkakakilala ko kay Snooky, sobrang loyal at love niya si Mon. Wala nga siyang ibang bukambibig kung hindi ang boyfriend, huh!

Kuwento nga pala ni Snooky, back to work na raw sila sa taping ng Anak Ni Waray vs. Anak ni Biday, ang bagong series ng GMA-7.

Noong Friday pa raw sila nag-taping uli.

“Hindi puwedeng hindi kami mag-taping agad dahil malapit na kaming ipalabas” sey ni Snooky.

“Jun, labas naman tayo. Lunch or dinner tayo kapag wala akong taping!” sey niya at biniro ko pa na, “O, sige, basta walang malisya ‘yan, ha!”

Hahaha!

Natawa rin si Snooky sa dialogue ko.

Palagi kong nagagawang biruin si Snooky dahil sa totoo lang, isa siya sa showbiz personalities na sobrang bait!

Sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano kaya, “patulan” din ang mga dialogue tungkol sa kanila ni William?

Naikuwento kasi ni William na nang magkita sila ni Dina sa isang taping ay natanong daw niya ang aktres kung nag-gain ito ng weight?

Si Maricel naman daw nakita niya sa TV at nasabi raw niya sa sarili na hindi naman daw masama ang meaning, na mukhang matrona na ang Diamond Star, na lahat sila ay tumanda na.

Well, imbes na ang pino-promote niyang pelikula ang mapag-usapan ay ‘yung dialogue ni William tungkol sa mga kapwa niya Regal baby noon ang napag-uusapan, huh!

Abby at karelasyon ni Martin, half-sisters!

Ang bongga lang ng comeback ni Priscilla Almeda, huh!

Napag-uusapan nga ang balikan nila ng first boyfriend na si Jomari Yllana pati ang hiwalayan nila sa kani-kanilang dating karelasyon.

Anyway, alam n’yo ba na tatay ni Priscilla (na unang nakilala sa showbiz bilang Abby Viduya) ay ang sikat na radio DJ noong araw ng DWKC na si Rudolf Rivera?!

Favorite ko noong araw si Rudolf noong may DWKC pa, kaya naman natuwa ako nang ipakilala siya sa akin ng anak niyang si Anj del Rosario.

Sino si Anj? Girlfriend siya ni Martin Nievera.

Sa The Royal Affair 2020 New Year’s Eve countdown dinner show nina Martin at Pops Fernandez ko nakilala si Rudolf.

Yes, half sisters sina Priscilla at Anj.

Parehong beautiful ang mag-half siblings!

‘Yun na!

WILLIAM MARTINEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with