Producer na sobrang luho, may mga staff pang hindi nababayaran
Umaalma ang ilang production staff ng isang entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila nababayaran ng buo ng producer, huh!
Eh sobrang luho raw ng producer pagdating sa promotions ng movie, huh! May mga paandar pa siya sa mamahaling hotel para lang umingay ang movie.
Sad to say, nganga ang producer. Malamang na hindi mabawi ang puhunan. To think may chika na bumibili umano ng cinema tickets ang produ at pinamimigay para matanggal sa sinehan!
Paano naman kasi, all forms lang ang movie at walang contents, huh!
In fairness, may naging curious namang panoorin ang pelikula but sad to say, pull out na ito! Walang epek ang panawagan nila sa mga cinema owner.
Pelikula ni Aga nagmilagro, Vice pinataob na sa no. 1
Hayan, patuloy na gumagawa ng milagro sa takilya ang Aga Muhlach movie na Miracle in Cell No 7.
Ang pelikulang inisnab ng Festival jurors kahit binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ay nanalasa sa takilya ngayon.
Kalat na kalat na ang reports at posts sa social media, number one na ang Miracle in Cell No. 7. Pinabagsak na ang pagrereyna ni Vice Ganda sa festival ng ilang taon, huh!
Well, bilog talaga ang gulong ng buhay. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba.
At least, maligaya naman ang puso ni Vice, huh! Keber ba niya kung number 2 na ang movie niya!
Anyway, Happy 2020 sa lahat ng PM (Pang Masa) readers! Iwasang magpaputok, huh!
- Latest