^

Pang Movies

Gloria balik-taping na ulit, wala pang balak mag-retire

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gloria balik-taping na ulit, wala pang balak mag-retire
Gloria

Natuwa ako sa balita na nag-taping na kahapon si Gloria Romero para sa Daig Kayo ng Lola Ko, ang Sunday drama fantasy anthology show ng GMA 7.

Ang akala kasi ng marami, magre-retire na si Tita Glo sa showbiz dahil sa biglang pagsumpong noon ng kanyang vertigo illness.

Nakatulong ang mahigit apat na buwan na pagpapahinga ni Tita Glo dahil na-regain niya ang kanyang energy.

Back to her old self si Tita Glo na can afford nang hindi magtrabaho pero love na love niya talaga ang acting.

Mahirap nang mapantayan ang achievements ni Tita Glo sa movie at television industry, lalo na ang more than six decades na career niya bilang artista.

Ikinatuwa ko rin ang kuwento na hindi na kailangan ni Tita Glo na umalis ng bahay at pumunta sa set ng Daig Kayo ng Lola Ko para mag-taping.

Sobrang generous at considerate ng GMA 7 management. Para hindi mahirapan si Tita Glo, nag-decide sila na gawin ang taping ng Daig Kayo ng Lola Ko sa bahay niya sa New Manila, Quezon City. Bongga ‘di ba?

Ganyang magmahal at magpahalaga ang Kapuso Network management sa kanilang mga contract star, lalo na sa mga artista na itinuturing na national treasure.

‘We are really a creation of ourselves’

Ang ganda-ganda pala na makita ang young families going out and attending mass on a Sunday.

Mga bata pa ang parents pero dala-dala nila sa church ang kanilang mga maliliit na anak.

Talagang ang umpisa ng kahit anong bagay para sa mga bata, ang mga ginagawa nila habang lumalaki sila at kadalasan, ito ang kanilang mga hindi nalilimutan.

Ang formative years ng mga bata ang dapat na binabantayan. Ang sabi ng pari sa homily nito noong Linggo, dalawang bagay ang nangyayari kapag may gusto na tandaan ang mga tao, it’s either pumasok at tumama ito sa puso o utak.

‘Yung mga ayaw nila, papasok sa isang tainga, lalabas sa kabila. Kung anuman ang nagustuhan ng puso natin, ang ating emosyon ang tinamaan.

‘Yung dumiretso sa ating mga utak, ito ang madalas na gusto natin, material o physical.

We are really a creation of ourselves. Tayo talaga ang nagde-decide kung ano ang ating mga gusto at ang magiging buhay natin.

Kahit ang mga pagbabago sa sarili, desisyon natin kaya kung ano tayo, ginawa natin sa sarili.

Ronite pinaka-generous na online seller

Tuwang-tuwa kaming tatlo nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa ibinigay na shawl ng personal shopper na si Ronite.

Tunay na wool, mukhang classy at expensive ang shawl mula kay Ronite.

Sa lahat ng mga online seller, pinaka-gene­rous si Ronite dahil madalas siyang mag-give ng mga item kaya naman mahal na mahal siya ni Lynette.

Ang biro ko nga, baka ang tubo niya sa paninda nauuwi lang sa kabibigay niya sa kanyang mga kaibigan tulad nina Lynette at Salve.

At ngayon, kasali pa kami nina Cristy at Mr. Fu. At sana bigyan din niya lagi si Jun. Thanks Ronite.

GLORIA ROMERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with