^

Pang Movies

Merry Christmas pa rin...

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Merry Christmas time pa rin kaya ako ay babati ng Maligayang Pasko.

Yearly, December 25, inaalala natin si Jesus Christ sa araw ng kanyang kapanganakan kung kaya’t ang mga simbahan ay napakaliwanag lalo na noong simbang gabi. Nung kamakalawa, hindi ako nakapagsimba pero nagkaroon ako ng chance dahil sa ginanap na midnight mass sa cathedral sa pangunguna ni Rev. Fr. Cardinal Tagle, ang officiating priest. Ang ganda ng misa at homily, may tama sa akin. Kale-laser lang ng mata ko at nagpapagaling pa rin sa isang sakit na halos kumitil sa aking buhay.

Almost five months akong naka-confine sa Philippine General Hospital. Salamat kay Mother Ricky Reyes, dahil nang malaman niya na may sakit ako, agad niya akong kinuha at sa Child Haus ako pinatira kung saan marami ring may sakit na doon nakatuloy and through the kindness of Sir Henry Sy & family, ay naitayo ang seven-floor building na kahit sino, kahit galing pang malalayong lugar ay maaaring tumira habang nagpapagamot. Katuwang dito ang mga mababait na staff ni Mother Ricky na sina Madam Daydee, Dr. Rosario, Madam Larayas, at iba pa na mga super lolas, basta talk to them!

Maraming salamat sa inyo! Maligayang Pasko.

‘Wag angkinin ang ‘di iyo

Huwag kalilimutan, ha? Ilagay sa tuktok. ‘Pag hindi iyo, wag angkinin! Be honest, lalo na sa pera lalo pa kung alam mong kailangan din nung tao.

Sayang ka, ang ganda na ng kinalalagyan mo pero sinira mo. Saan ka na pupulutin?! Takla ka.

Madali kang maduling pagdating sa pera, kahit hindi para sa iyo. Pero ipag-pray pa rin kita. Magbago ka na! Merry Christmas!

Pasasalamat pa more...

Ang saya-saya ng Christmas Party ng PMPC na ginanap sa Simon Place na sa rami ng mga gifts, mamahaling appliances, datung, at iba pa! Salamat sa lahat ng donors, si Mam Salve Asis ng Pang-Masa at Pilipino Star NGAYON, Sen. Lito Lapid, Jessie Chua, at Julie Bonifacio c/o Boy Abunda (thank you so much). Ganoon din sina Ethel Ramos, Ronald Constantino na talent si Jake Roque na napakagwapo at mukhang may future maging singer at mga katotong sina Leony Garcia, Archie, at marami pang iba. Merry Christmas! God bless us all! Maligayang Pasko sa ating lahat!

Pacman at Isko, pareho ang ugali sa mahihirap!

Mukhang may balak tumakbo itong si Manila Yorme Isko Moreno sa pagka-presidente o bise-presidente, ah! Sikat na sikat ang naturang alkalde at umani ng maraming papuri sa madla!

Trending ang mga video niya sa paglilinis ng mga kalye at eskinita. Ultimo mga vendor ay natulungan ni Yorme. E batang Tondo kasi, lumaki siyang mahirap kaya naman malambot din ang puso niya sa mga mahihirap.

Na-discover siya roon ni Kuya German “Germs” Moreno sa That’s Entertainment kung saan dancer siya doon dahil ang naging manager niya na si Wowie Roxas ay dancer din.

Anyway, gusto rin naman siya ni President Rodrigo “Digong” Duterte kaya wala kaming nakikitang problema kung magkagayon. Sana lahat ng pulitiko gaya ni Yorme, may malasakit sa kapwa niya.

Gayundin si Sen. Manny Pacquiao sa nakaraang speech niya na nag-trending din sa mga social media platform. Nakakalungkot daw isipin na kapag may gustong programang ipatupad ang isang politician, kinokontra ng kabilang partido, kahit pa para naman ito sa ikabubuti ng mga tao, dahil lang ayaw nilang makitang maging matagumpay ito. Kakagraduate lang ni Sen. Manny ng kolehiyo ngayong taon, at hindi man siya magaling magsalita, makikitang mong nagsasabi siya ng totoo.

Concern talaga siya sa taong-bayan. Sana lalo pang dumami ang mga kagaya n’yo para marami pang maging katulong ang ating presidente sa ikauunlad ng bansa natin.

Keep it up! Merry Christmas!

MERRY CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with