‘Malakas daw ako kay Lord’
Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin si Veronica “Tita Vero” Samio. Isa si Tita Vero sa pillars ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Nakakalungkot, sobrang nakaka-depressed. Rest in peace!
Yumao na rin recently ang isa pang katoto na si Jun Quintana. Siya ang PRO ni Imelda Papin.
Life must go on! Biro nga ng mga kasama, matatag daw ako malakas daw ang aking kapit kay Jesus. Thank you, Lord!
Ako ang unang nagkasakit pero siguro may misyon ako na tulungan ang mga taong may sakit din at nagugutom. Ang mga batang pulubi, ang mga badjao na marami sa kalsada ng Balibago.
Tulungan mo sila, Lord Jesus! Kahit lugaw, taho, tinapay na ipapasok sa tiyan ay malaking bagay na para sa kanila.
Atty. Persida mataas din ang boses
Last week, isang masayang Christmas party ang handog ni Atty. Persida Acosta for the PMPC na hitik sa musika, kantahan, sayawan at nagtanghal ang magagaling na musikera na sina Cynthia Franal, Ruel Sebastian, Rico Ronquillo, Ruel Pascual, Jeremiah Valenzuela, Rez Jernales, Norman Garcia, Jenie Santos at ang mga magagaling na PAO singer na sina Ernie David, Eroch Locino at Kayla Acosta.
Dito namin napag-alaman na magaling palang singer si Atty. Persida, ang galing kumanta at soprano.
Grabe, yun daw pagkanta ang pang-alis ng stress niya sa mga corrupt at magnanakaw ng gobyerno.
Well-entertained ang PMPC sa event na iyon.
Naawa naman kami sa mga doctor ng PAO na si Chief Forensic Expert Dr. Erwin Erfe ng Designated Director ng PAO Forensic Laboratory dahil inalis ang karapatan niya na makatulong sa mahihirap na biktima ng krimen.
Si Pangulong Digong ang hahadlang sa mga bad people. Merry Christmas!
Merry Christmas…
Merry Christmas din kay ate Glo Galunong, Karen (PAO), Mother Ricky Reyes, Salve, Debbie, Nora, Mae, Meng at lahat ng mga katoto, friends, relatives at iba pa.
God bless us all! Christ the savior is born, Christ the Savior sa boni! Ganoon din kina ate Norma Moquins, Sunshine, Norman, Sarah, Joey, Mou & family.
- Latest