^

Pang Movies

MMFF passes pinagkakakitaan sa social media

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
MMFF passes pinagkakakitaan sa social media

Naku naman! Pati festival pass sa 2019 Metro Manila Film Festival, pinagkakakitaan, huh!

Matapang na nag-post sa Facebook ang isang netizen ng, “Sino po ang gustong mag avail? Metro Manila Film Festival Ticket lahat lahat na yan. PM me for orders & reservations. No to cancelation!”

Kasunod nito ang post na, “Sa lahat po ng nandito na mga order. Pa pm nalang po ako. Hindi kaya ng inyong lingcod na makipagmeet up today. For pick up na lang sa bahay. Thank you.”

Ang FB post na ito ay inilabas ni Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF Committee kalakip ang isang media advisory.

“PEASE DON’T BE FOOLED BY THESE PEOPLE WHO SELL MMFF PASSES. Miss Evangelista is now with the police. And those who bought will be caught using these fake passes may be held criminally liable too!”

Sa mga nakaraang festivals, magaan ang bigayan ng passes hanggang sa naging limitado ito. Nitong huling advisory, eh kailangan pang pumunta sa Parada ng mga Artista sa malayong venue bago makuha ng libreng passes pero again, limitado na ‘yon, huh!

Ultimong pinamimigay na passes dati, for sale na ‘yung iba, huh!

Huwag na lang magbigay kung marami pang kundisyones, huh! Isaksak na lang sa baga ninyo ang MMFF passes!

Angel tinalagang Anti Piracy ambassador... 

Itinalaga si Angel Locsin bilang Anti Piracy ambassador ng Optical Media Board.

Pero sa totoo lang, hindi na lang sa DVDs may piracy. Uso na rin ito sa online site at social media.

Hopefully ay matugunan ito ni Gel sa gitna ng pagiging artista niya at charity works, huh!

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with