Bea wala pang reaksyon sa pagpanaw ng ex!
How sad of the report na ang naging cause of death ni Miko Palanca ay ang pagtalon diumano sa kanyang condo unit na tinitirhan sa Santolan Tower, San Juan.
Younger brother ni Bernard Palanca si Miko na naunang mag-artista sa kanyang kuya.
Good-looking and tall, Miko was a candidate for stardom.
For a time rin, na-link siya sa baguhan palang noong aktres na si Bea Alonzo.
They look good together, until one time, bigla na lang nawala sa eksena si Miko, at wala nang nabalitaan sa kanya.
Wala pang nababasang reaction from Bea tungkol sa biglaang pagkamatay ni Miko, ganun din from Bernard.
May you rest in peace, Miko.
Miles ‘di pa kayang mag-BF
At 22, ang aktres na si Miles Ocampo swears she has never had a boyfriend, at hanggang ngayon, ay wala pa rin. Which means, this Christmas, malamig pa rin ang kanyang Pasko, which does not bother her naman, as she has her family and friends to celebrate Christmas with.
Besides, she will be busier than usual, as she has entry sa Metro Manila Film Festival 2019, ang Write About Love, kung saan kasama niya sina Rocco Nacino, Joem Bascon at Yeng Constantino.
A TBA Productions, Write About Love has Crisanto Aquino at the helm.
Miles loves her role in the movie, as she plays a budding writer na sinusulat ang kanyang first novel, with the help of a proficient novelist, played by Rocco.
In real life, Miles really plans to be a writer for movies, do scripts. Ang gaganda raw ng mga idea niya.
Now in college, Miles is a Mass communication student and her major is literature.
Sa isang interview naman with Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, natanong ng huli kung nililigawan ba siya ni McCoy de Leon.
Miles admitted that McCoy did ask her permission na ligawan siya, but as she is not yet prepared daw to have a relationship with any man, she told him so. Pero puwede pa rin naman daw silang maging magkaibigan, susog daw niya kay McCoy. At naging magkaibigan naman sila, madalas daw silang mag-send ng text sa isa’t isa, pero ngayon daw ay hindi na.
Bukod sa kanyang pag-aaral at paggawa ng pelikula, abala rin si Miles sa sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet, kung saan kasama niya sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Vhong Navarro, Carmi Martin, Carlene Delgado at Rio Locsin.
Iza hindi umaasa sa best actress!
Bilang lead actress ng MMFF entry nilang Culion, Iza Calzado is more than happy na automatically nominated siya for best actress.
She doesn’t mind kung mananalo pa siya ng trophy, as getting a nomination is a trophy for her na. “Actually, napakalaking bonus na, na makasama sa itinuturing na Magic 8 ang Culion. Considering the number of films na nag-aagawan sa slot.
“Kung sabagay, maipagmamalaki ko at ng iba pang members ng cast ang pelikula. Mapi-feel mo ang ginawang efforts naming lahat, lalo na ng production staff.
“They wouldn’t feel when they watch Culion that they are robbed of their hard-earned money.
“Moreover, it is an advocacy film as well, as it is about three women patients afflicted with leprocy na kinailangang itira sa Culion noong 1940’s kung saan wala pang tiyak na gamot dito,” ani Iza.
Iza’s co-stars are Jasmine Curtis Smith at Meryll Soriano. Scripted by top screenplay writer, Ricky Lee, Culion is directed by Alvin Yapin.
Personal…
Birthday kahapon (December 10) ng dating child actress at ngayon ay Antipolo Mayor na si Andeng Ynares.
Ang ganda ng feedback tungkol sa pamamahalang ginagawa ni Andeng tungkol sa Antipolo, na labis na ikinasisiya at ikinapupuri-puri ng asawa niyang si Junjun Ynares, who for three terms was Mayor of the city.
Congrats and happy birthday, Andeng.
Anak siya ni Agimat king, Ramon Revilla at nakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla.
Greetings from me and Salve A. (God bless you always Mayor Andeng. – Salve)
- Latest