^

Pang Movies

Anita Linda, 95 na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Anita Linda, 95 na
Anita Linda

Happy birthday Ms. Anita Linda. Sa Instagram wall ni Director Adolf Alix Jr., pinost niya ang kanyang pagbati. “Happy Birthday Ms. Anita Linda! Today (November 23), Tita Alice celebrates her 95thbirthday.  The true chameleon – having worked and portrayed various roles and cha­racters in her career, she will always be my Adela.  I wish you good health and I hope to work with you again on another film soon.

Salute to the oldest working Filipino actor! She’s just 5 years younger than Filipino cinema at 100 this year.”

Barbie at Kate magsasama sa serye

Siguradong masaya ang fans nina Barbie Forteza at Kate Valdez dahil sa pagpasok ng 2020, may bago silang project na mapapanood na magkasama. Marami nang nagri-request na bigyan na sila ng bagong project dahil last year pa natapos ang teleserye nila. Si Barbie sa Kara Mia at si Kate sa Onanay.

Ngayon, sina Barbie at Kate ang bibida sa remake ng sikat na 1984 comedy film na Anay ni Biday Vs Anak ni Waray para sa GMA Primetime.  Ang classic Filipino film ay pinagbidahan nina Snooky Serna at Maricel Soriano.  Gumanap namang mga nanay nila noon sina Ms. Nida Blanca at Ms. Gloria Romero.  Ngayon ang gaganap nilang mga nanay ay sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Makakasama pa rin sa cast sina Ms. Celia Rodriguez, Teresa Loyzaga, Jay Manalo, Migo Adecer at Faith Da Silva.  Ang tanong ngayon, meron daw bang leading men sina Kate at Barbie, at sino ang magdidirek ng primetime telebabad?

KMJS 15 years nang umeere

Walang duda ngayon na basta number one show na nakikipagkuwentuhan sa atin, ang Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA News and Public Affairs na laging inaabangan tuwing Linggo ng gabi sa GMA 7.

Basta may istoryang kakaiba, nakatutuwa, o nakamamangha, ang sigaw ng sambayanan – “I-KMJS Na ‘Yan!” Kapag may kailangang tulungan at ipa-viral, ang comment sa posts – “#KMJS.”   Kaya nga laging trending topic ito nationwide even worldwide.  Kaya madalas na winner sila ng international awards like the New York Festivals, US International Film and Video Festivals at Asian Academy Creative Awards, at kahit dito sa bansa sa mga award giving-bodies na nagbibigay ng awards sa mga TV shows.

Isang panibagong milestone ang nakamit ng programa ngayong November, dahil ngayong buwang ito, 15 years nang umeere ang Kapuso Mo, Jessica Soho. At ngayong gabi, November 24, itatampok ang mga istoryang tatak-KMJS.

Kabilang sa madalas ilapit sa KMJS ay iyong mga naghahanap ng tunay nilang ama o ina, kaya isa ang episode ni Elenrose na 29 years nang hinahanap ang ama. Iba pang episodes ang mapapanood tulad ni Michelle na nasira ang mukha dahil sa pagpaparetoke, isang mangingisda na nakita nang bumagsak na bulalakaw sa Mindoro na may batong may magnet na sabi’y nagkakahalaga ng milyon-milyong piso. Isang taga-Palawang babae na naka-videoke ang singer mula sa 90’s boyband na A1. 

#KMJS15 ngayong gabi, pagkatapos ng The Clash.

vuukle comment

ANITA LINDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with