Andi kuntento na sa pag-aalaga ng anak sa isla
Mukhang mas masaya na ngayon ang aktres na si Andi Eigemann sa kanyang pagiging island girl at mag-alaga na lamang sa kanilang anak ng kanyang partner ngayon, ang surf champion na si Philmar Alipayo na si Lilo habang ang kanyang panganay na si Ellie ay pabalik-balik ng Maynila at Siargao dahil sa kanyang pag-aaral sa Maynila and be with her biological dad na si Jake Ejercito.
Although bukas pa rin umano si Andi sa kanyang showbiz career, mas pinili nito ang pamamalagi sa Siargao dahil bukod sa mas gusto na niya ang kanyang simpleng buhay sa island, kasama niya roon ang kanyang mag-amang Philmar at Lilo.
Piolo-Claudine reunion movie inaabangan kung matutuloy pa
Natutuwa ang publiko at maging ang netizens na nahinto na (?) at lumamig na ang isyu sa pagitan ng Barretto Sisters lalupa’t papalapit na ang Pasko.
Kung meron mang isang magandang nangyari sa pagkawala ng Barretto patriarch na si Miguel Alvir Barretto na sumakabilang-buhay noong October 15 ay ang muling pagkakabati ng mag-inang Inday at Gretchen Barretto na ilang taon ding hindi nagkibuan tulad nina Gretchen at ang bunsong kapatid nitong si Claudine Barretto.
Super bonding ngayon sina Inday at Gretchen kasama si Claudine at isa pa nilang kapatid na si JJ, ama ni Nicole Barretto na nasangkot din sa gulo ng pamilya Barretto.
Ang maganda kay JJ, hindi ito nakisali sa gulo ng kanyang nakababatang mga kapatid at maging ng panganay niyang anak na si Nicole. Hindi rin nakisali sa gulo ang iba pang mas nakatatandang kapatid ng Barretto sisters na sina Mito, Michelle at Gia na naging tahimik lamang throughout the height ng Barretto Sisters war.
Samantala, marami ang nagtatanong kung matutuloy pa ba raw ang reunion movie project nina Piolo Pascual at Claudine under Star Cinema?
TV5 bubuhayin?!
Sana raw ay totohanin ang plano ng pamunuan ng TV5 na muling buhayin ang kanilang entertainment programming para maging competititive ito sa dalawang giant TV networks, ang ABS-CBN at GMA.
Marami ang nalungkot noon nang mag-desisyon ang Kapatid Network na i-dissolve ang kanilang entertainment department at iba pang departamento ng TV network na nasundan ang retrenchment at early retirement ng marami sa kanilang mga empleyado. Maging ang in-house talents ng TV network ay nagsilipatan na lamang sa ABS-CBN at GMA.
Magiging malaking challenge sa bagong pamunuan ang muling pag-revive ng kanilang entertainment programming dahil mangangailangan ito ng malaking halaga para sila’y muling maka-take off muli.
Bilyones na ang nalugi sa istasyon.
Maka-recover pa kaya itong muli?
Gayunpaman, marami pa rin ang natuwa sa balitang ito dahil nangangahulugan ito ng additional jobs sa maraming tao including production people at mga artista na rin.
Ang TV5 ay pinamumunuan ngayon ng bagong presidente at CEO na si Jane Basas.
- Latest