^

Pang Movies

Barretto sisters kailangan ng dasal

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Kasama sa dasal ko ang mga Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine at pati ang mga anak at pamangkin na nasangkot sa mga away nila kasama na rin ang milyonaryong businessman na si Atong Ang. During the wake of their father na si Sir Miguel Barretto,  walang habas ang mga bunganga ng magkakapatid na naglabasan ng mga maaanghang na salita, kesehodang nasa harap sila ng Pangulo ng Pilipinas. Sabi ng isang netizen, para silang mga palengkera,  at least ang Palengkera may pakinabang at naghahanap buhay eh sila, away burat! Mayroon namang nagsasabing fans ng tatlo na, sana nga, wag ng magtalakan ang mga Barretto. Pasayahin na lang ninyo si Mommy Inday Barretto. Tama na ang sapakan. Baka kayo ma-bad karma!

Pero infairness, nagkaroon ng healing mass, kasama si Mommy Inday at ang saya raw, puro tawanan. ‘Yan dapat ganyan na lang gawin nila, maging happy na lang at magkapatawaran!

Sir Atong Ang, total madatung ka baka puwede tulungan naman ang mga mahihirap na kababayan. Lalo na ang mga biktima ng lindol, ang mga walang trabaho, ang mga gustung mag-aral pero can’t afford. Sayang kasi kung nakapagtapos sila ng pag-aaral ng kahit anong kurso, kahit anong kalamidad ay kaya nilang makahanap ng trabaho.

Wish come true sana, God Bless You!

VP Leni kailangan din ng prayers

Masusubukan ang kakayahan ni Vice Leni Robredo sa pagsagupa sa mga sakit ng ulo ni Presidente Digong Duterte, dahil tinanggap niya ang offer nito na maging Drug Czar. Challenge ito kay Vice Leni R, kumbaga ipakita mo ang galing mo rito, wag yung puro satsat! Pero kwidaw, nakakatakot ang mga gumon sa droga na lalong dumarami, hindi nababawasan at walang pinipiling edad o kasarian. Pero kung panahon pa ni Pangulong Marcos yari ka!

Ipagdasal natin si Vice Leni Robredo. Nawa’y magtagumpay sa pagiging kaaway ng droga.

Drug Czar Leni Robredo, pagpalain ka ng Diyos!

Alipin Din…

Galit na galit ako sa isang ina na kinatay ang 1 yr. old na anak. Posibleng alipin din siya ng droga. Nangyari ito sa isang bayan sa Batangas. P-ina ka! Dapat sa iyo, tadtarin din ng pinung-pino.

Humanda ka hinihintay ka ng mga preso sa kulungan na papasukan mo.

Salamat...

Shocked ako nang may duma­ting akong bisita dito sa Child Haus. Magandang babae at hindi ko siya nakilala agad, tanong ko sino siya, sagot niya “Si Debbie po.” Diyos ko, napatili ako sa tuwa, umiiyak na natatawa ako na parang naloloka.

Si Debbie po ay staff ni Ma’am Salve Asis, editor ng dyaryong PM (Pang Masa) at Pilipino Star Ngayon (PSN). Salamat po ng marami sa mga write up Ma’am Salve at kay Debbie, salamat sa pagdalaw. God bless!

Pasasalamat pa rin sa lahat ng mga staff at Super Lola ng Child Haus na sina Ma’am Daydee Castillo, Ma’am Marianne, Ma’am Rachelle, Mrs. Lagaras at kay Mrs. Ortega. Pati na rin sa mga nurse from California sa pangunguna ni Mai Suleta.

Happy birthday naman kay Ma’am Kristine Hilario na nagdala ng food para sa mga pasyente sa Child Haus at dalawang malalaking cake. Super happy ang lahat. Wish you more birthdays to come and God bless you!

BARRETTO SISTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with