Boy may wish sa Barretto sisters
Kung ang King of Talk na si Boy Abunda lamang ang masusunod, gusto niyang matapos na ang `giyera’ sa Barretto family dahil naniniwala siya na may pagmamahal pa ring natitira sa kanilang mga puso at darating din ang tamang panahon at pagkakataon na sila’y magkakabati-bati rin.
Boy is very close to Gretchen and he admits that she is part of his life at kaibigan din ang turing niya sa nakababatang kapatid nitong si Marjorie.
Away nina Gretchen at Ruffa, naudlot
Mabuti at hindi nagtuluy-tuloy ang `away’ sa pagitan nina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez nang tawagin ni Gretchen na `sawsawera’ ang panganay nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama nang nag-comment ito ng `Freshhhhh’ sa selfie ni Julia Barretto, anak ni Marjorie Barretto sa ex-husband nitong actor-comedian na si Dennis Padilla. Hindi ito pinalampas ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Hindi man pumatol si Ruffa sa pasaring sa kanya ni Gretchen, tiyak na si Annabelle ang magtatanggol sa kanyang unica hija.
Asam ng marami na sana’y matapos na ang mala-circus na `teleserye sa totoong buhay’ ng mga Barretto dahil nauumay na rin ang marami sa kanila.
Baron forever thankful kay Coco
Although `pinatay’ na ang character ni Baron Geisler as “Bungo” sa FPJ’s Ang Probinsyano, thankful ang actor sa malaking break na ibinigay sa kanya ng bida at co-director ng top-rating and long-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.
Umaasa si Baron na sana’y magtuluy-tuloy ang pagdating sa kanya ng projects laluna’t malapit nang magsilang ang kanyang misis na si Jamie Evangelista.
Baby girl ang nakatakdang isilang ni Jamie sa buwan ng Pebrero next year at meron na rin silang nakahandang pangalan sa baby, Talitha Cumi.
Kapag walang showbiz commitments si Baron ay sa Cebu sila naglalagi ng kanyang misis na si Jamie kung saan sila nagkakilala.
Pops at Martin may magic pa
Hindi pa rin talaga nawawala ang `magic’ sa dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez matapos silang magkaroon ng successful concert tour sa Amerika nitong nakaraang August and September. Dahil dito ay magkakaroon ng repeat concert ang former couple sa Los Angeles, California sa buwan ng December bilang bahagi ng kanilang Two-gether Again 2.
Imelda nanggulat sa concert
Bukod sa AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, wala pa kaming alam na local artist or performer ang nakapuno sa 55 thousand-seater na Philippine Arena sa Bulacan.
Nang lumabas ang balita na sa Philippine Arena gaganapin ang ika-45th year anniversary concert ng tinaguriang Jukebox Queen at Asia’s Sentimental Songstress-turned politician na si Imelda Papin, marami ang nagtaasan ang kilay. Marami rin ang nagsabi na sobra umanong ambisyosa ang KAPPT President sa pag-aakalang baka lamang langawin ang napakalaking venue. Pero sa pagkagulat ng marami, napuno ni Imelda ang Philippine Arena and she made another record.
Si Robin Padilla ang surprise guest ni Imelda na nagpaunlak ng dalawang songs bukod pa sa ibang announced guests.
- Latest