Ogie at MJ swak ang tandem!
Third time ko nang maimbitahan sa mediacon ng DZMM Teleradyo at sa tatlong pagkakataon ng pakikiharap ko sa anchors ng ilang mga programa ng nasabing istasyon na napapakinggan na sa radyo ay napapanood pa rin sa TV ay enjoy ako to the max. Sinimulan ito nina Ariel at Winnie at tinapos ng mag-asawang Vic at Avelynn Garcia at ng mga katotong MJ Felipe at Ogie Diaz. Bukas na ang tungkol sa mag-asawang nagtuturo kung paano magkapera ang mga tagapakinig nila sa Tulong Ko, Pasa Mo. Sa dalawang huling nabanggit ako magsisimula ng kuwento.
Sa dalawang anchors ng OMJ mas kilala ko ang huli. Isa siyang kasamahan sa panulat. Naisulat ko na siya ng makailang beses dahil hanga ako sa kanyang inabot na nagsimula sa pagsusulat. Hindi lamang siya nag-branch out from writing to acting, tumutulong din siya para makapagsimula ng pag-aartista ang maraming may kakayahan.
Pero ang higit kong hinahangaan sa kanya ay may puso siyang mag-reach out sa mga may sakit ng breast cancer. Hindi lamang sa pagpapagamot nila siya concerned , nagpapaluwal din siya ng pambili nila ng gamot at pagpapa-chemo, kahit kulang ang nalilikom niyang pondo. Nasa radyo na rin ngayon ang aking katoto, nagbibigay kasiyahan sa mga naghahanap ng balita tungkol sa local showbiz at sa mga taong kabilang dito.
Bentang-benta ang mga hirit niya tungkol sa maraming kaganapan sa buhay ng mga artista. Bentahe niya ang kredibilidad niya sa pagbabalita at pagkakaroon niya ng wit at humor.
Ka-tandem ni Ogie sa trabaho at sa programa nilang OMJ na tampok sa DZMM Teleradyo tuwing 9pm ng Sabado ang masuwerteng si MJ Felipe na kung saan-saan na rin naipapadala ng ABS CBN News para mag-interview ng mga malalaking artista sa mundo.
Maganda ang tambalan ng dalawa dahil bihirang mag-Ingles si Ogie at kay MJ niya itinotoka ang mga panayam nila in English.
Walang awayan at inggitan sa pagitan ng dalawa, kahit una sa billing si Ogie dahil malaki ang paggalang ni MJ sa itinuturing niyang mentor at nakaka-healthy sa programa nila kapag nagkakaro’n sila ng magkaibang opinyon.
Cong. Vilma iniisip pa kung gagawa uli ng pelikula
Hindi mo masisi kung matakot na gumawa ngayon ng movie si Cong. Vilma Santos. Walang kasiguruhan sa takilya ang mga pelikula ngayon.
Marami na talagang magagandang movies at nabibigyan pa ng grade “A” ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay sumesemplang pa rin sa box-office. Pero, dahil kilala ang kalibre ng isang Vilma Santos sa paggawa ng movies, baka naman mapaiba siya, baka pilahan siya sa takilya. Subok ka naman ulit, Congresswoman.
Zanjoe at Isabel magsasama sa MMK
Pang-All Souls/Saints Day ang episode ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Tungkol sa isang lalaki na nakakakita ng mga anino at nakakarinig ng maraming boses. Kung ito ay may kinalaman sa estado ng kanyang pag-iisip o bunsod ng mga bagay sa mundo na hindi makayang ipaliwanag at mabigyang kasagutan ng karakter na ipo-portray ni Zanjoe Marudo kasama ang matagal nang hindi umaarte na si Isabel Oli.
- Latest