Barretto sisters, lapastangan!
Nakakaloka kayo, Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto, ang gaganda ninyo, nakapag-aral kayo, pero nilaspatangan n’yo ang inyong yumaong ama na si Mr. Miguel Barretto.
Ipinakita n’yo sa publiko ang inyong kabastusan. Saan ka nakakita ng patay na ang sariling magulang eh nag-aaway-away pa ang mga anak. Dapat nga ay parang reunion ang nangyayari kapag may namamatay na miyembro ng pamilya eh.
Para kayong mga pusang nagsasakmalan, nakakahiya kayo. Kawawa naman Si Mr. Barretto na nasa loob ng kabaong.
Pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakiawat pa sa bangayan n’yo. Mga bastos kayo, dapat sa inyo hilahin ang mga tinggil!
Anyway, may your soul, Sir Barretto, rest in peace!
Tapos, sasabihin n’yo unawain kayo? Ewan bahala na si Lord na parusahan kayo! Kawawa naman si Ma’am Inday Barretto wala siyang lakas para awatin ang kanyang mga anak.
Maymay generous!
Saludo ako kay Maymay Entrada na produkto ng Pinoy Big Brother. Hindi siya kagandahan noon, pero ang laki ng ipinagbago niya ngayon. Ang ganda-ganda na niya at marami pang raket, pero ang mas ikinahahanga ko sa kanya ay ang pagiging mapagmahal sa magulang.
Ibinili niya ng house & lot ang nanay niyang nasa Japan at pagkakakitaang negosyo para sa lahat ng kanyang mga kamag-anak. ‘Yung isang tito niya nga ay binilhan pa niya ng tricycle. Hindi maramot.
Alden matagal nang gustong magnegosyo
Noon pa nasabi ni Alden Richards na kapag siya ay nagtagumpay sa pag-aartista ay talagang papasukin niya ang pagnenegosyo, at ngayon nga ay natupad na ang kanyang matagal nang pangarap. Meron na siyang franchise ngayon ng Mcdo at balitang may bago rin siyang itatayong restaurant.
Ang dami niyang endorsements at TV Shows ngayon, pati na sa movie na umabot na sa bilyon ang kinita, ang Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo.
Personal…
Belated happy Birthday Ramon Romeng Coquia, Oct 18, 2019
God Bless us all!
- Latest