^

Pang Movies

Mga sasali sa Summer Film Festival naghahanda na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natuwa naman ako dahil may movie producer na kumukuha kay Glydel Mercado para sa Summer Film Festival ng Metro Manila Film Festival.

Nakakatuwa ang ginagawa ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño na pagtulong sa showbiz nang ilunsad niya ang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Active din ang Cinemalaya at ngayon, may Summer Festival na mangyayari sa April 2020.

Marami ang interesado na sumali sa Summer Film Festival at may festival din para sa new director at writers.

Ang pagkakaroon ng film festival ang isa sa makakatulong nang malaki sa showbiz dahil marami ang active sa paggawa ng mga pelikula.

At least, bongga na ang showbizlandia dahil marami ang mabibigyan ng trabaho.

Mga magulang umaming sa fixer nagpakuha ng passport

Isang malaking aral ang matututunan mula sa karanasan ng beauty queen na si Samantha Lo.

Very traumatic na na-hold si Samantha sa Paris airport at ma-deport lalupa’t nag-iisa lamang siya.

Imagine, pupunta siya sa Venezuela para sa international beauty pageant na sasalihan niya tapos mangyayari ang isang traumatic experience?

May ilang linggo si Samantha bago ito umalis for abroad kaya dapat na tiningnan niya na mabuti ang passport, visa at ang mga gamit na kanyang dadalhin.

Pero ibang usapan kung inamin ng kanyang mga magulang na humingi sila ng tulong sa isang fixer kaya hindi nila alam na fake ang passport na ibinigay sa kanilang anak.

Pasko ramdam na

Feel na feel mo na ang nalalapit na Pasko, Salve. Wala talagang tatalo sa Pinoy pagdating sa celebration ng Christmas.

Kahit pa nga down ang economy, nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol o anuman kalamidad, walang makakapigil sa pagdiriwang natin ng Pasko.

Siguro kaya matiisin ang mga Pilipino at matibay sa pagsubok dahil nga we always look forward to happy events.

Sana hindi mawala ang ganito nating ugali na kahit meron mga pahirap, looking forward pa rin sa happier days ahead.

We never stop hoping, wishing, dreaming, kaya positive pa rin kahit pa nga madalas complaining tayo. At least year in and year out, nalulutas naman iyon iba natin complaints. God is always good. So ganyan lang tayo, wishing for the best, always. 

GLYDEL MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with