Rodjun at Dianne abala na sa pag-aayos ng kasal
Wala pa namang sinasabing definite date, pero naniniwala kaming malapit na nga ang kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Una may mga lumabas na pictures ni Rodjun na nakipagkita kay Randy Ortiz, at sinasabi niya mismong iyon ay paghahanda para sa kanilang big day.
Tapos noong isang araw, sina Rodjun at Dianne ay nakipag-usap na kay Rev. Fr. Reginald Malicdem, ang rector ng Manila Cathedral para sa kanilang canonical interview.
Iyang Canonical Interview ay ginagawa ng simbahan upang matiyak na walang impediment o anumang problema o hadlang sa pagdiriwang ng sakramento ng kasal.
Ang kasal, o matrimonyo ay hindi lamang isang seremonya kung hindi isang sakramento na ginawa ng Diyos ayon sa paniniwala ng simbahan. Kaya nga ibayong ingat ang kailangan sa pagdiriwang ng mga sakramento. Ang simbahang Katoliko, bagama’t nagsasabing may annulment, o pagkilalang walang kasalang naganap kahit na may seremonya dahil sa ilang kadahilanan, ay hindi naman umaayon sa diborsiyo. Kaya nga may canonical interview muna, para maiwasan din ang mga dahilan para sabihing ang kasal ay walang bisa, o null and void.
Talagang sinusuri ng pari ang mga ikakasal kung sila ba ay talagang nagkakasundong magsama nang habang buhay, at kung wala bang magiging problema sa pagdating ng araw. Hindi maaaring magkaroon ng kasal nang walang canonical interview.
Pagkatapos niyan ay ang wedding banns. Ang notice ng kanilang pagpapakasal ay dadalhin sa parokya ng isa’t isa, ipaaalam sa mga nagsisimba ang pagpapakasal, para kung may tumututol, o may nalalamang mga bagay para masabing hindi dapat isagawa ang kasal ay maipaalam iyon sa simbahan. Tatlong araw ng Linggo ang wedding banns. Kung ang lahat ay nasa ayos, at saka ang kasal.
Sa dinadaanan nilang paghahanda, palagay namin ang kasunod na ngang balita ay kasal na.
Libingan ni Amalia hindi pinaalam
Bukas ng umaga na ang libing ng movie queen na si Amalia Fuentes. Ang paglilibing ay gagawin pagkatapos ng isang misa ng alas otso ng umaga. Walang sinabi ang kanyang pamilya kung saan siya ililibing, marahil iyon ay para mapanatili ang katahimikan sa mga panahon ng kanilang pagdadalamhati.
Kahapon nagsimula ang public viewing ng mga labi ng movie queen sa Our Lady of Mount Carmel Church sa New Manila, na siya rin niyang parokya. Ngayong araw na ito ay magpapatuloy pa ang public viewing hanggang alas dose ng gabi. Sa unang gabi ng kanyang burol na ginanap sa Arlington Memorial Chapels ay naging pribado para sa kanyang pamilya lamang.
Gay personality tinalbugan ng ex na mas mayaman na sa kanya
Bigla raw dumating ang isang kilalang showbiz gay sa isang restaurant matapos niyang malaman na ang may-ari pala ng sosyal na restaurant na iyon ay isa niyang “kaibigan” more than twenty years ago. Hinanap lang naman daw ng showbiz gay ang may-ari, nagkakuwentuhan sila nang kaunti dahil matagal na nga silang hindi nagkita. Pero nalungkot daw ang showbiz gay nang malaman niyang ang kanyang dating “kaibigan” ay higit nang mayaman kesa sa kanya. Meaning wala na siyang chance na ligawan pa iyong muli. Ganoon lang talaga, wala namang forever.
Ngayon kasi, matagal na raw walang lovelife ang showbiz gay.
- Latest