^

Pang Movies

Arnell kinontra ang sobrang pambabakla ni Vice!

Gorgy Rula - Pang-masa
Arnell kinontra ang sobrang pambabakla ni Vice!
Arnelli Ignacio

MANILA, Philippines — Last Thursday, September 26 lang namin nakatsikahan si Arnelli Ignacio sa radio prog­ram namin sa DZRH na kung saan napag-usapan namin ang tungkol sa reaksyon niya sa guesting sa Gandang Gabi Vice ng dalawang boy scouts na bading na taga-Isabela.

Sa totoo lang, hindi lang si Arnell kundi may ilan ding bading ang nakausap ko na hindi nila nagustuhan ang guesting na iyun na kung saan pinag-showdown pa ng sayaw ang dalawang batang bading na naka-boy scouts uniform.

Sabi ni Arnell; “Parang wala nang katiting na regulation, discretion na…hindi dahil naaliw tayo ay tama.

“Iilan na lang nga ang natitira na parang…bigyan naman natin ng sagrado na, like boy scouts, iilan na lang nga. Tapos gagawin pa nating katawa-tawa, nakakaaliw na nagsasayaw.”

Nung nakaraang Linggo ito lumabas na kung saan nag-react agad si Arnell, pero ngayon lang namin napag-usapan dahil sa napapansin daw niya lahat na lang pinapatulan kahit may mga nasasagasaan nang institusyon o grupo na dapat naman daw sanang igalang.

“Okay na nga yung bakla eh. Wala naman akong isyu dun eh. Pero yung paggalang mo naman sa uniporme ng boy scouts tapos sasayaw ng the usual na…parang yung sinasabi ko lang, wala na tayong tinitira na…kahit na anong institusyon, konsepto.

“Ito, iwanan naman natin to as it is di ba? So, ano na lang ang natira sa atin kung lahat na lang puwede nating baklain?

“Iilan na lang yan eh. Puwede ba nating i-spare na lang yan?” saad ng actor/TV host at consultant ng OWWA.

Sana mamili naman daw ng mga ipinapalabas, hindi porke’t nag-viral at pinag-usapan.

“Sa akin lang, anything na na-pick na nag-viral na video tapos ilabas mo na sa telebisyon, nagkakaroon na siya ng mas malaking importansya lalo.

“Hindi ba puwedeng rebyuhin yung sarili natin na wala naman tayong ilalaman lagi sa isip natin na basta lang mag-trending, natawa tayo, sige na.

“Wala na tayong katiting na regulation? Wala na ba tayong katiting na discretion na para naman may magsabi ng ‘uy huwag naman yan!’

“Hayaan mo na, meron pa namang ibang nakakatuwa.

“Kasi tatamaan na yung pangalan na yung pangalan ng Boy Scouts,” sabi pa ni Arnell.

Iyun lang naman ang gusto niya na sana maging responsable raw tayo sa lahat na inilalabas natin.

Malaking bagay pa raw na kapag mga maimpluwensyang celebrity ang naglalabas, naging parang totoo na ito at hindi na kapani-paniwala ang sinasabi ng ilang mas nakakaalam.

“Parang sa akin lang, ganito na ba tayo na kapag for example sinabi ng ABS-CBN o for example si Vice ang nagsabi na parang ano na meron na siyang semblance of gospel truth, parang ganun na siya kasi eh.

“Hindi ba natin nararamdaman yun na pati ang ating pamumuhay, morals, may nagtuturo na sa atin?

“Wala na tayong regulation, wala nang may nagsasabi sa akin na ‘yan hindi puwedeng galawin yan.

“Lahat na lang nang sinasabi sa atin, tsina-challenge natin.

“Eh bakit pa tayo maglalagay ng institusyon sa gobyerno kung ang tingin natin diyan sa mga mga yan ay hindi naman natin susundin na kumbaga meron tayong rason? Tayo lagi ang may karapatan. Di ba ang gulo?” saad ni Arnell.

Kaya ang pakiusap niya sa mga kilalang celebrities; “Ako, ang hinihingi ko naman dun, you have the power to influence the mind and opinions ng mga tao, let us not be too careless na magbitaw ng mga stand na hindi naman talaga natin thoroughly inaaral.”

Ken naging blessing si Rita 

Ngayong gabi na pagkatapos ng The Gift ni Alden Ri­chards mapapanood ang bagong romcom series ng GMA News and Public Affairs na One of the Baes na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.

Kapag pang-primetime ng GMA News, meron talaga silang binibigyan ng pagkilala sa ating mga Pinoy, at dito sa One of the Baes bibigyang pugay daw nila ang mga Pilipinong marinero

“May women empowerment ito, kasi hindi naman ito usual­ly nakikita na ang isang kapitan ng barko ay babae.

“I think for the first time in Philippine television, you will see a female ship captain,” sabi ng taga-GMA News.

Base sa research nila, meron daw talaga tayong dalawang Pinay na kapitan ng barko.

Sa totoo lang, masuwerte si Ken sa mga drama series dahil lahat na ginagawa nito naghi-hit. Kaya pati ang ka-tandem niyang si Rita ay nadadamay din sa suwerte niya.

“Deserved ni Rita kung saan man siya ngayon,” pakli ni Ken.

“Sa totoo lang, ako po yung masuwerte dahil hindi ko po magagawa yung role ko po as Boyet kung wala si Aubrey na si Rita.

“Sobrang malaking tulong sa akin si Rita.

“Lagi ko pong sinasabi kay Rita na binigyan niya ng kulay ang buhay ko.

“Totoo po yan, walang kiyeme yun,” sabi pa ni Ken.

Kahit naghi-hit ang mga shows ni Rita, nangako itong hindi pa rin niya iiwan ang pagkanta na first love niya.

ARNELLI IGNACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with