Aktres lumalabas ang kamalditahan ‘pag napapagod
May tsismis na matatagalan bago mabigyan ng bagong project ang isang aktres dahil nagmaldita pala siya sa set ng television series na tinatampukan niya.
Team player at mabait ang image ng aktres pero lumalabas pala ang kamalditahan niya kapag napapagod sa taping at sa pagpapanggap na Miss Amity siya.
Hindi puwedeng mag-deny ang aktres dahil ang mga artista at production staff na nakatrabaho niya ang nagkukuwento tungkol sa kanyang kakaibang ugali na hinding-hindi nakikita ng publiko bilang great pretender nga siya.
Presscon kaliwa’t kanan na naman
Sunud-sunod na naman ang mga presscon dahil sa mga bagong show sa telebisyon na magsisimula, ang Madrasta at Magkaagaw ng GMA-7, at ang Unforgettable, ang much-anticipated movie ni Sarah Geronimo.
Lucky sina Juancho Trivino at Jeric Gonzales dahil elevated na sila sa leading man status. Si Juancho ang bida sa Madrasta at si Jeric ang lead actor sa Magkaagaw.
Sina Juancho at Jeric ang mga dapat bigyan ng break sa pelikula ng Regal Entertainment Inc. Panahon na para magkaroon sila ng mga movie assignment na validation ng kanilang pagiging ganap na artista.
Ang Henerasyon... malakas ang hatak
Sa Miyerkules, October 2, ang playdate sa mga sinehan ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Entertainment Inc.
Malakas ang hatak ng trailer ng pelikula kaya excited ang millennials na mapanood ang project na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Jerome Ponce, Jane Oineza at Myrtle Sarrosa.
Si Jason Paul Laxamana ang sumulat at direktor ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love na maging blockbuster din sana tulad ng Just A Stranger, ang huling pelikula ni Paul na kumita ng limpak-limpak na datung dahil sinuportahan ng moviegoers.
Ysabel Ortega tinanggap
Natutuwa ako dahil sa mga positive feedback tungkol sa acting ni Ysabel Ortega sa The Gift.
Si Ysabel ang anak nina Michelle Ortega at Senator Lito Lapid na hindi napigilan na sundan ang yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang.
Contract star na si Ysabel ng GMA Artist Center at ang The Gift ang kanyang unang primetime show sa Kapuso Network.
Hanggang ngayon, marami ang hindi makapaniwala na anak ni Lito si Ysabel dahil sa mala-porselana na kutis nito na minana niya kay Michelle.
Marami ang nagagandahan kay Ysabel at sila ang nagsasabi na siya na lamang ang dapat gawin na love interest ni Alden Richards sa The Gift.
May mga komento naman na hindi na kailangan ni Alden ng leading lady sa The Gift dahil kuntento na sila sa kuwento tungkol sa magandang relasyon nila ng mga gumaganap na nanay at lola niya, sina Jo Berry at Elizabeth Oropesa, respectively.
Sa totoo lang, maganda ang kuwento ng The Gift dahil kapupulutan ito ng mga aral. Palagi rin special mention ang Maynila sa mga eksena dahil sa mga pagbabago na nangyari sa siyudad mula nang manungkulan si Isko Moreno bilang mayor.
Bago nag-umpisa ang taping ng The Gift, nagkaroon ng courtesy call kay Isko ang cast ng primetime drama series ng GMA-7 sa pangunguna ni Alden at ng direktor na si LA Madridejos.
Si LA ang nagsabi na maraming lugar pa sa Maynila na inayos at pinaganda ni Isko ang mapapanood sa mga susunod na episode ng The Gift.
- Latest