Elaine natulad sa kapalaran ni Pia
Si Elaine Duran ang nag-uwi ng house and lot, negosyo package, family vacation package, management contract mula ABS-CBN, recording contract sa TNT Records, at P2 milyon matapos tanghaling grand champion sa Tawag ng Tanghalan Season 3 grand finals sa It’s Showtime na ginanap sa Caloocan Sports Complex kahapon ng tanghali.
Matindi niyang nakalaban sa ‘Huling Tapatan’ sina John Mark Saga (second placer) at John Michael Dela Cerna (third placer).
Bongga bukod sa instant sikat si Elaine, instant yaman din siya.
Imagine dalawang beses palang na-reject si Elaine sa audition sa first and second season ng TNT tapos nang pumasa siya, nag-champion pa.
Wow, very Pia Wurtzbach ang peg.
Kaya talaga, always believe in your dreams and never give up.
Nag-Birthday sa Bali, Pia nagpasasa sa vitamin sea
Speaking of Pia, ang bongga ng mga ‘sexy pictorial’ niya sa Bali, Indonesia na posted sa kanyang IG account.
May pa-’Vitamin Sea’ nga siya sa kanyang birthday sa Bali kasama ang mga sabi niya’y ilang ‘best friends’ niya. “So happy to spend my birthday with some of my best friends in life. My sister flew in from London just to be with me. My two cousins are here too. And two of my pageant sisters from Bb. Pilipinas. Love these girls!,” sabi niya.
‘Di niya kapiling ang boyfriend na si Marlon Stockinger.
Kahit ilang beses na silang nabalitang nag-split, lagi namang sila pa rin. Baka lang busy si Marlon sa racing competition.
- Latest