^

Pang Movies

33rd Star Awards for TV mag-uumpisa na!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Sa halip na ilagay ko ang mga nominado para sa Star Awards for TV 2019, minarapat ko na lang na ilista ang matapang kong choices ng mga gusto kong mananalo kung makakaboto sana ako, pero unfortunately hindi ako kuwalipikado sa taong ito.

Here it goes:

Best Actress-Bela Padilla (Sino ang May Sala); Best Actor-Jericho Rosales (Halik); Best Primetime Series-The General’s Daughter; Best Daytime Drama-Kadenang Ginto; Best Drama Actress-Dimples Romana (Kadenang Ginto); Best Drama Actor-Alden Richards (Victor Magtanggol); Best Drama Supporting Actress-Janice de Belen (The General’s Daughter); Best Drama Supporting Actor-Arjo Atayde (TGD); Best Child Performer-Miguel Vergara (Nang Ngumiti ang Langit); Best New Male Actor -Seth Fedelin (KG); Best New Female Actress - Jo Berry (Onanay); Best Single Performance by an Actress-Joanna Ampil (MMK); Best Single Performance by an Actor-Kiko Estrada (MMK); Best Comedy Actor-Vic Sotto (Daddy’s Gurl); Best Comedy Actress-Alex Gonzaga (Home Sweetie Home); Best Drama Anthology-Ipaglaban Mo; Best Musical Variety-Young Once Upon a Time (Net 25); Best Musical Variety Show/Host-It’s Showtime/ Anne Curtis/Vice Ganda; Best Celebrity Talk Show/Host-Tonight with Arnold Clavio/Arnold Clavio; Best Educational Program /Host -Matanglawin/Kim Atienza; Best Magazine Show/Host - Kapuso Mo Jessica Soho/Jessica Soho; Best News Program/Hosts - TV Patrol /Ted Failon/ Karen Davila; Best Public Affairs Program/Host - The Bottomline/Boy Abunda. 

Magaganap ang 33rd Star Awards for TV sa October 13 sa Irwin Lee Theater ng Ateneo University.

Life story ni Lucas Garcia mas makulay kesa kay Zephanie

Marami ang nagtataka kung bakit mas inuna ng Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng buhay ng 1st winner ng Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan kesa sa life story ng runner up na si Lucas Garcia na madalas sapawan sa guestings at interviews.

Zephanie is holding her own kapag naggi-guest sila ng dalawa pang champions sa pagkanta ng ABS-CBN na sina Elha Nympha ay Janine Berdine. Hindi siya naiiwan dahil sa bukod sa maganda talaga ang boses niya ay may ganda siyang hindi nakakasawa.

Ang galing sana nilang trio, pero nakakahinayang naman ang solo careers nila kung pasisikatin sila bilang grupo.

Personal…

My condolences sa mga pamilya ng naiwan nina diretor Mel Chionglo, Isah Red at Ronnie Tapia Merk.

STAR AWARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with