^

Pang Movies

Patricia umatras sa Mrs. Universe!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Patricia umatras sa Mrs. Universe!

Umatras ang reigning Mrs. Universe Finest Woman, ang singer-actress, entrepreneur na si Patricia Javier na siyang kakatawan sana sa gaganaping Mrs. Universe pageant in China ngayong December 21, 2019 to January 1, 2020 dahil maaapektuhan ang kanilang planned Christmas vacation sa Amerika with her husband na si Doc. Rob Walcher at dalawa nilang anak na sina Robert at James.

Magmula nang mag-relocate sila sa Pilipinas last 2015 ay taun-taon nilang idinaraos ang Christmas at New Year sa pamilya ni Doc. Rob sa Amerika at ayaw itong sirain ni Patricia.  Sa halip ay tinanggap niya ang pagkakapili sa kanya bilang kinatawan ng Pilipinas sa kauna-unahang Noble Queen of the Universe na ang coronation night ay gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel on December 1, 2019.

Makakalaban ni Patricia ang 29 other candidates mula sa iba’t ibang bansa na may sariling mga adbokasiya sa kanilang lugar.

Health and wellness ang adbokasiya ni Patricia maging ng kanyang chiropractor husband na si Doc. Rob Walcher.

Hindi man naranasan ni Patricia ang mai-represent ang Pilipinas sa Mrs. Universe pageant na gagapin sa China ngayong Christmas season, masaya na rin siya sa kanyang naging experience nang siya’y manalong Mrs. Universe Philippines Finest Woman.

Isah Red masayahing tao at loyal na kaibigan

Hinding-hindi makakalimutan ang petsang September 21 ng sambayanang Pilipino dahil ito ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan nang ideklara ng namayapang dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand E. Marcos ang Martial Law.

Araw ng September 21, 2019 nang magkasunod na pumanaw ang dalawang mga kilalang veterans sa industriya, ang soft-spoken award-winning director na si Mel Chionglo at ang entertainment journalist na si Isah V. Red, dating entertainment editor at columnist ng Manila Standard, now Manila Standard Today. Parehong cardiac arrest ang ikinamatay ng dalawa.

Bukod sa kanyang pagiging former entertainment editor at columnist, si Isah ang co-founder at dating presidente ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Unknown to many, si Isah ay dating seminarista pero ang kanyang isang kapatid ang nagpatuloy sa pagpapari at ito’y naka-base ngayon sa Amerika na kamakailan lamang dinalaw ni Isah.

Isa sa mga early jobs ni Isah ay ang kanyang pagiging isa sa writers ng kilalang advertising agency in Makati City, ang McCann-Erickson. Naging writer din siya ng ilang TV programs bago siya naging isang entertainment writer and editor ng isang broad sheet until his retirement.

Kilala man si Isah ng iba sa pagiging mataray at outspoken, ang totoo’y isa siyang masayahing tao at loyal na kaibigan.

Ang mediacons ay tiyak na hindi na kumpleto dahil sa maagang pagpanaw ng itinuturing na kapatid at kaibigan ng kanyang mga kasamahan sa panulat sa  entertainment business.

Isah was 67.

Direk Mel sa pagiging production designer nagsimula

10 taon ang ginugol ng namayapang veteran director na si Mel Chionglo sa New York City, USA dahil pagkatapos niyang grumadweyt sa Ateneo de Manila University ng Humanities, siya’y muling nag-aral sa New York Academy of Theatrical Arts sa ilalim nina Stella Adler at Lee Strasberg. Nag-aral siya ng acting and directing.

Taong 1976 nang siya’y bumalik ng Maynila upang ipagpatuloy niya ang kanyang pangarap na makapag-direct. 

Nagsimula siya bilang isang production designer sa pelikulang In the Rites of May na dinirek ni Mike de Leon. Pero pagdating ng 1981 ay sinimulan na niya ang kanyang kauna-unahang pelikula bilang director sa pamamagitan ng Playgirl under Regal Films.

Si Direk Mel din ang nagdirek ng hit TV series noon sa bakuran ng GMA-7, ang Rio del Mar na tumagal sa ere ng dalawang taon at nakapag-direk din siya ng ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Kilala si Direk Mel sa pagiging soft-spoken at cool-headed at hindi naninigaw sa set. Miyembro rin si Direk Mel ng executive committee ng Cine­malaya.

Direk Mel was 73.

Samantala, ang wake ni Direk Mel na magsisimula ngayong araw ng linggo, September 22 ay gaganapin sa Hall B ng Arlington Memorial Chapels along Araneta Avenue in Quezon City. Cremation will be held on Thursday, September 26 at 8 a.m.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay na iniwan nina Direk Mel at Isah.

Ella may bagong movie agad

Aminado ang Best Supporting Actress ng 2019 Cinemalaya Film Festival na si Ella Cruz for the movie Edward na pinagbidahan ng teen actor na si Louise Abuel at dinirek ni Jhop Nazareno na hindi umano niya napanood sa kabuuan ng pelikula during the week-long run ng Cinemalaya nung nakaraang Agosto, kaya naman excited siya na ito’y mapanood sa commercial run simula sa October 2.

Hindi ikinakaila ni Ella na nagkaroon umano siya ng reservation na tanggapin ang pelikula dahil may pagka off-beat umano ang kanyang role pero nagpasalamat siya na tinanggap niya ito matapos i-explain sa kanya ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario ang kahalagahan ng role at ng pelikula sa kanya.

May bagong movie na gagawin si Ella sa bakuran ng Viva Films kung saan siya magkakaroon ng tatlong leading men – sina Julia Trono, Andrew Muhlach at Vito Marquez na parehong nagmula sa showbiz royalty.

Si Andrew ay (half-brother) nina Aga, Arlene at Almira Muhlach habang si Vito naman ay kapatid ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez at mga anak ng dating mag-asawang Joey Marquez at Alma Moreno.

Samantala, thankful si Ella sa sunud-sunod na magagandang blessings na dumarating sa kanya. Bukod sa pagkakapanalo niya ng Best Supporting Actress sa Cinemalaya at bagong pelikulang gagawin, maganda rin ang takbo ng kanyang bagong tayong milk tea business, ang Tea Tops na matatagpuan sa kanyang hometown sa Bustos, Bulacan.

Anyway, mukhang hindi na itinatago ni Ella ang kanyang relasyon sa kanyang ka-loveteam na si Julian Trono na nagsimula nang gawin nila ang pelikulang Fangirl/Fanboy nung 2017 under Viva Films.

Sina Ella at Julian ay parehong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency o VAA.

PATRICIA JAVIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with