^

Pang Movies

Actress na 82 years old nag-aapela ng dagdag na sinehan sa kanyang pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matapos na manalo ng award ang 82-anyos na aktres na si Angie Ferro, nangantiyaw siya na sana naman daw ang pelikula niya ay ma­dagdagan ng sinehan. Ang pelikula nila na naging best picture din sa PPP ay palabas na sa 20 sinehan sa Metro Manila lamang. Ewan kung ilan ang naglalabas niyan sa mga probinsiya o kung palabas pa rin ba iyan ngayon.

Walang duda na ang kanyang pelikula ay isa sa mga malalaking flop ng festival dahil hindi nakasama iyon doon sa tatlong pelikulang nabanggit na kumikita, na iyong ikatlo ay kumita lang ng isa’t kalahating milyon. Ibig sabihin talagang baryang-barya ang kinita ng pelikula ni Ferro.

Iyan din ang unang pelikula na siya ang bida, bagama’t mahusay siyang character actress na nagsimula sa legitimate stage.

Minsan nakakapanlumo talaga na mababaliitaan mo halimbawa na ang pelikula ni Kathryn Bernardo palabas sa 360 sinehan, nagdagdag pa. Tapos ikaw, wala pang 50 sinehan, nagsara pa ang iba. Pero malaki ang kaibahan eh, milyon kasi ang hinahakot ng pelikula ni Kathryn, hindi talaga kasya sa iilang sinehan lamang ang nanonood ng kanyang pelikula.

Halimbawa ang pelikula ni Angie Ferro ay ilabas mo sa isandaang sinehan, tiyak iyon mas marami ang ni hindi mapapasukan minsan man maghapon. Papaano naman ang may-ari ng sinehan na namuhunan din para maitayo at mai-maintain ang sinehan niya?

Hindi maraming sinehan ang susi. Halimbawa may nanood sa iyong dalawampu  at dalawampu rin ang sinehan mo, ibig sabihin tig-isa lang audience mayroon sa sinehan? Ang isang maliit na sinehan, kayang maglaman ng 400 na tao more or less. Hindi ba mas ayos na iyong bente na maipon sa isang sinehan lamang? Hindi ang dami ng sinehan ang susi para kumita ang isang pelikula.

Hindi lamang artista at director ang bumubuo ng industriya ng pelikula, kasama rin ang may-ari ng sinehan, ang mga theater bookers, takilyera, portera, pati mga janitor na umaasa sa sinehan para sa kanilang ikabubuhay. Maawa naman kayo sa kanila.

Marinero… ni Michael napuno ang tatlong sinehan

Napadpad kami sa premiere ng pelikulang Mari­nero. Nakakagulat dahil ang premiere nila napuno ang tatlong sinehan sa isang mall sa Maynila. Ipinagmamalaki pa nilang marami na ang scheduled na block screenings ng kanilang pelikula, na madali naman nilang magawa ngayon dahil hindi naman kumikita ang mga pelikulang kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Hindi naman pala tungkol sa mga Marinero ang pelikula, nagkataon lang na ang mag-aama ay nagtrabaho sa barko. Istorya iyon ng isang ama na mahal na mahal ang mga anak niya, pero sa kabila noon hindi siya maintindihan. Tungkol iyon sa isang asawa na nagmagaling din, isinama ang lahat ng kinita ng asawa niyang marinero sa multi-level marketing na raket at nalusaw lahat ng pinagpaguran nila.

Tungkol din iyon sa isang beki, na lumaki sa ampunan at gustong makatulong sa kapwa, hindi nakikipag-agawan ng CR. In fairness nagustuhan namin ang pelikula. Akala namin noong una indie eh, pero hindi dahil makinis ang pelikula at sa tingin pa lang, ginastusan. May shooting pa sa abroad at ang maganda walang pretentions ang pelikula nila.

Hindi namin inaasahan ang pelikulang iyan ay magiging isang malaking hit, pero ieendorso iyan ng mga taong makakapanood ng pelikula. Tungkol iyan sa isang pamilya na dapat mapanood ng buong pamilya. Dapat maipalabas sana bilang tribute sa mga tatay. Magaling si Michael de Mesa.

ANGIE FERRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with