^

Pang Movies

Dahil sa anak, Rochelle hirap nang magtaray

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dahil sa anak, Rochelle hirap nang magtaray
Rochelle Pangilinan

Matagal din daw ang hinintay ni Rochelle Pangilinan na mawala ang baby weight niya bago siya tumanggap ng bagong teleserye sa GMA-7. Sa naganap na media launch ng The Gift, sexy na ulit ang former Sex Bomb girl.

Six months na ang baby girl nila ng mister n­iyang si Arthur Solinap na si Shiloh, kaya puwede na raw siyang umariba ulit sa TV.

Na-miss nga raw niya ang gumawa ng teleserye at sa kanyang pagbabalik, isang kontrabida siya sa The Gift.

“Bait-baitan ako sa huli kong teleserye na Onanay. Ngayon balik kontrabida ako. Pero alam mo, hirap ako ngayon magalit kasi ang saya-saya ko parati. Kapag naiisip ko ang anak ko, napapangiti ako parati. Eh, ang role ko rito mataray at sungit-sungitan. Nahirapan ako, promise!” tawa pa ni Rochelle.

Marami na raw ginawa si Baby Shiloh na ikinakatuwa nila tulad ng pag-beautiful eyes nito. Kaya sulit daw ang lahat ng naranasan n­iyang hirap sa pagbubuntis.“Ang saya-saya, masaya umaapaw talaga ’yong puso ko sa kasiyahan. Akala ko ganun-ganun lang, hindi pala. Natutuwa kami ni Art kapag hawak namin siya. Maharot siya!” tawa ulit ni Rochelle.

Sey pa ni Rochelle na siya ang mas nag-i-spoil sa baby nila ni Art. “Yon ang problema. Mas ini-spoil ko siya. Like kunwari umiyak lang siya nang konti, kakargahin ko. Pinagbabawalan ako ni Art kasi masasanay raw.

“Disciplinarian si Art. Kailangan kami raw ang in-control kay Shiloh. Kapag umiyak, pabayaan lang daw namin. Para matuto itong patahanin ang sarili niya. Eh, ako pa naman, hindi ko siya matiis kaya nagagalit si Art sa akin.”

Gabbi tinututukan ang walk-in closet sa dream house!

Pinasilip na ni Gabbi Garcia ang malapit na niyang matapos na dream house para sa kanyang pamilya.

Limang taon pa lang si Gabbi sa showbiz, pero lahat daw ng mga kinita niya mula sa teleserye at endorsements ay napunta sa pagpapagawa ng bahay.

Sey pa ng bida ng Beautiful Justice, hindi naman daw siya inobliga ng kanyang pamilya na magpagawa ng bahay. Gusto lang daw niyang ibalik ang lahat ng mga naging hirap ng parents niya sa pagpapalaki sa kanya.

“My family never obligated me to provide for them and to build a house for them. It’s really just paying back for all the support they’ve given me, for being there kasi sila ‘yung backbone ko in the industry. They are the first persons I run to when I have my problems, so they deserve it,” ngiti ni Gabbi.

Mamahalin at top-of-the-line ang appliances at furnitures na pinili ni Gabbi para sa bahay nila. Pero ang isang room na tinutukan nang husto ni Gabbi ay ang kanyang malaking walk-in closet.

Meron itong bonggang chandelier, malalaking closets, hardwood floors at fully-airconditioned. Para ito sa lumalaking ko-leksyon ni Gabbi ng damit, shoes, bags, make-up and other accessories na branded at kailangang maingatan.

Verdict may special screening sa PPP 3

Dahil sa natanggap na Special Jury Prize ng 25-year old Pinoy filmmaker na si Raymund Ribay Gutierrez sa 2019 Venice Inter-national Film Festival para sa pelikula niyang Verdict, bibigyan ito ng special premiere sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino on September 13 to 19.

Produced ang Verdict ng award-winning film director na si Brillante Mendoza na very proud sa na-achieve ulit ng Pinoy sa naturang international filmfest.

Ayon kay FDCP (Film Development Council of the P­hilippines) Chair and CEO Liza Diño: “Because of how well it’s doing internationally, we want to give the opportunity for Verdict to also have a limited run in the PPP. As a Filipino film, not only does it evoke mastery of craft from a first-time feature director but more importantly, it’s a timely and relevant story. While local, it still resonates in these current times and highlights the need for action in discourse regarding the rampant abuse of women everywhere… it’s something that we are proud to showcase.”

The film has been Graded A by the Cinema Evaluation Board.

Napili rin ang Verdict sa Hong Kong-Asia Film Financing Forum Work-in-Progress project.

Tungkol sa domestic violence at paggamit ng pinagbabawal na droga ang Verdict. Pinagbibidahan ito nila Max Eigenmann and the late K­ristoffer King.

ROCHELLE PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with