^

Pang Movies

Arra kabado sa pagbibida

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Arra kabado sa pagbibida
Arra San Agustin

Na-excite at kinabahan si Arra San Agustin nang sabihan siya ng GMA Network, na siya ang magiging bida sa bagong GMA Afternoon Prime series na Madrasta. Hindi lamang kasi siya bida, title roler pa siya, katambal niya si Juancho Trivino at kontrabida naman si Thea Tolentino.  Kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng network.

Graduate ng StarStruck 6 si Arra at una siyang napanood sa Encantadia at pansin na pansin ang beauty niya. 

Sumunod niyang drama series ang My Special Tatay, na akala ng netizens ay siya ang leading lady ni Ken Chan, pero nag-click sina Ken at Rita Daniela, kaya nabago na ang role ni Arra.

Hindi ba siya nagdamdam noon?“Okay po lamang iyon, I think kung ano naman po talaga yung tamang panahon, darating talaga iyon. At malaking challenge po sa akin itong Madrasta dahil gaganap akong nanay ng anak ni Juancho kay Thea. Dahil hindi pa naman ako mommy, pinag-aralan ko talaga ang role at naging inspirasyon ko ang mommy ko. Nakikita ko kung gaano nila kami alagaan at mahalin ng mga kapatid ko, kaya ganoon ang atake ko sa role na ginagampanan ko.”

Si Arra ay may dalawa pang shows sa GMA, ang Taste Manila, isang YouTube digital show at sa Bubble Gang.

Miguel maraming natutunan sa pagiging Badjao

First time ng mahusay na teen actor na si Miguel Tanfelix na gumanap ng role ng isang Badjao sa magtatapos na serye nila ni Bianca Umali na Sahaya sa GMA-7. 

Sa pagganap daw niya bilang si Ahmad, marami siyang natutunan.“Humanga po ako sa character ni Ahmad bilang isang Badjao. Nakita ko kung gaano sila magmahal sa kanilang tribe na tawag nila ay ‘kampong’ at sa kanilang pamilya. Natutunan ko rin ang culture at pamumuhay nila. Isa pong magandang expe­rience na naramdaman ko ang hardships and way of living nila,” kuwento ng aktor.

“Ang hindi ko po malilimutan kapag gumagawa kami ng mga eksena sa middle of the sea, kahit po sa Calatagan, Batangas ang set namin, para na rin po kaming nasa Tawi-Tawi, naramdaman ko pong close to nature kami, feeling ko isa talaga akong Badjao.”

Sa kabila ng pagti-taping ni Miguel ng Sahaya, isinabay din niya ang pag-aaral niya ng Entreprenuer­ship sa college. “Siguro po, magbabakasyon muna ako after ng series namin.”

Nag-imbita rin ito para sa pagtatapos nito ngayong gabi. “Sana po ay huwag ninyong kalimutang panoorin ang finale episode namin ngayong gabi, September 6, after po ng 24 Oras.”

ARRA SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with