^

Pang Movies

Mga bus huli sa aktong nagpapalabas ng pirated na HLG

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mga bus huli sa aktong nagpapalabas ng pirated na HLG

Nahuli kahapon ang mga bus na nagpapalabas ng pirated co­pies ng pelikulang Hello, Love, Goodbye.

After two weeks nga kasi ng showing ng pelikula ay nagkalat na ang pirated copies ng super box office hit ng Alden Richards - Kathryn Bernardo movie.

Kinumpiska ng Optical Media Board ang mga flash disc ng mga bus na ginagamit nila sa pagpalabas ng libre sa kanilang mga pasahero.

Sa Facebook unang nagkaroon ng copy ang pelikula na almost 1 billion na ang kita as of yesterday na ang linaw daw ang kopya.

Ion inangkin na si Vice

“MINE MINE” sabi ni Ion Perez sa kanyang IG story habang nakayakap kay Vice Ganda sa ginanap na All Star Games 2019 last Sunday sa Smart Araneta Coliseum na kahapon ay burado na. 24 hours lang nagtatagal ang IG story.

Kung sabagay matagal nang obvious na sa kanya na ang box office comedian na proud din naman kay Kuya Escort na sumikat sa It’s Showtime.

PPP may grand fancon, ibang entries ‘di pa nag-iingay!

Good news sa mga estudyanteng nag-aabang sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

From P280, magiging Php180 na lang ang bayad sa mga sinehan sa Metro Manila habang Php130 naman sa mga sinehan outside Metro Manila.

To qualify for the discount, kindly bring your present student ID or registration form and present it to the cinema ticket booth.

Kaya lang kailangan pa siguro ng push ng ibang mga kasali sa PPP.

So far, ang pinaka-maingay pa lang ay ang Cuddle Weather nina Sue Ramirez and RK Bagatsing. The rest, kapos pa sa promo.

Anyway, may naka-schedule ring #PPPGrandFanCon bukas, August 31, 2019 from 9AM onwards at SMX CONVENTION CENTER.

For ONLY 99 pesos, magkakaroon na kayo ng whole day access of fun activities and meet and greet with the biggest stars of PPP and surprise guests. Magkakaroon din ng concert ang ilang favorite singers n’yo kasama na ang bandang Ben & Ben.

Mamimigay din sa nasabing FanCon ng 500 Festival passes na puwedeng gamitin sa 10 films na kasali sa 3rd PPP.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with