^

Pang Movies

All-female group na XOXO pantapat sa KPop!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
All-female group na XOXO pantapat sa KPop!

Bongga ang all-female group na XOXO na binubuo ng original contestants ng The Clash ng GMA-7.

Talagang binibigyan sila ng suporta ng Kapuso Network dahil nga sa ipinakita nila na talent sa pagsasayaw at pagkanta na parang mga K-Pop group ng South Korea.

Dahil mahusay mag-perform ang XOXO, umagaw sila ng pansin sa lahat ng press at bloggers na nag-attend ng presscon para sa kanila na ipinatawag ng GMA Artist Center.

Unang sumalang as a group ang XOXO sa Studio 7. After that, magre-record agad sila ng dalawang single para sa GMA Records.

Tulungan natin mga bagong talent tulad ng XOXO para dumami ang maghahatid sa publiko ng entertainment. Welcome XOXO.

Magnanakaw mas madaling patawarin kesa sa kumikitil ng buhay!

Totoo ang sinabi ng isang follower ko sa Instagram, mas madali na patawarin ang tao na nagnakaw dahil gutom ang pamilya at may kamag-anak na nasa panganib kaya natukso na mang-angkin ng hindi niya gamit.

Pera lang ang kinuha niya, hindi buhay, hindi ang puri ng biktima na ginahasa na, pinatay pa.

Hindi talaga mapapatawad ng mga tao si former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa heinous crime na kanyang ginawa.

Makapangyarihan na siya dahil sa posisyon niya and yet, nagawa pa ni Sanchez na manggahasa at pumatay. May pera na siya, may power na pero gumawa pa rin ng karumal-dumal na krimen.

‘Yung mga magnanakaw, natukso dahil dala ng pangangailangan at ‘yun lang ang solusyon na nakita niya para malutas ang kanyang problema kaya mapapatawad pa siya.

Mahirap din na patawarin ang mga tao na ninakawan na nga ang mga driver, pinatay pa nila.

At lalong hindi dapat patawarin ang mga pervert na nang-aabuso ng mga maliliit at inosenteng bata. Gawin natin na  mas mabigat ang parusa sa kanila, ‘yung talagang matatakot sila na gumawa ng krimen dahil alam nila na mabigat ang parusa.

Ibalik ang death penalty kung kailangan, basta sana mas katakutan ang batas at  maging patas.

Mahirap, mayaman, kapag may kasalanan, dapat parusahan para mabuhay tayo ng tahimik.

Mga bagay na gusto nang i-dispose hindi na dapat panghinayangan

Kung talagang gusto natin na mag-spring cleaning ng mga gamit, huwag nating titingnan ang mga bagay para maipamigay ito.

Kapag tiningnan kasi ang mga gamit na dapat nang dispatsahin, nagkakaroon ng tendency na panghinayangan kahit hindi na gagamitin.

Hoarder ako by nature, mahilig ako na magtago ng mga bagay-bagay dahil may pagka-sentimentalist ako.

Palagi kong binibigyan ng meaning ang lahat ng mga gamit na ibinibigay sa akin at itinatago ko.

May narinig ako na nagsabi na kapag hindi mo na nagagamit o hinahanap ang isang gamit na nakatago lang for more than 6 months, dapat na i- dispose na.

Nagawa ko ‘yon sa mga magazine at diyaryo na itinago ko. Without looking or reading, ibinigay ko sa mga security guard para ipagbili nila.

Ang tatlong balikbayan boxes ng mga damit, ginawa ko na donasyon sa church nang humingi sila para sa mga nasalanta noon ng bagyo.

XOXO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with