^

Pang Movies

FPJ, 80 na sana!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
FPJ, 80 na sana!

Happy birthday in heaven sa nag-iisang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

Kung nabubuhay si Kuya Ron, ngayon, August 20, ang kanyang 80th birthday at malamang na big event ito sa Philippine showbiz.

Wala nang puwedeng humalili sa trono ni Kuya Ron bilang Hari ng Pelikulang Pilipino dahil nag-iisa lamang siya. Wala nang makakapantay at makahihigit sa daan-daang bilang ng mga pelikula na ginawa niya na talagang pinilahan noon sa takilya. Si Kuya Ron ang bida, direktor at producer ng kanyang mga pelikula.

Ang kaso, binawian ng buhay si Kuya Ron sa edad na 65 noong December 14, 2004 at malaking kawalan sa showbiz ang pagpanaw niya.

Kung hindi sumakabilang-buhay si Kuya Ron, hindi magiging senador si Grace Poe at baka walang FPJ’s Ang Probinsyano sa telebisyon si Coco Martin.

Sure ako na gugunitain ng fans ni Kuya Ron ang kaarawan niya ngayon. Mag-expect tayo na marami ang dadalaw sa puntod niya sa Manila North Ceme­tery para magbigay-pugay sa kanya.

Tatlong senior citizen na nawala sa China interesting ang kwento

Pagkatapos ng pag-iyak ko dahil sa magandang column ni Bum Tenorio tungkol sa first out of the country trip ng kanyang Nanay Candida, ang headline headline naman ng PM ang gumulat sa akin, ang pagkawala sa China ng tatlong female senior citizens na may edad na 70 hanggang 77.

Mabuti na lang, nakabalik na sila sa Pilipinas pero hindi pa malinaw ang kuwento kung saan sila napadpad sa China nang magkaroon ng lay over dito ang eroplano na sinakyan nila mula sa Amerika.

Nakakaloka na walong araw na hindi natunton ng kanilang mga kamag-anak ang retired teachers na nag-tour lang sa New York.

Mabuti na lang, tatlo sila na magkakasama kaya kahit papaano, hindi masyadong nakakatakot pero sure ako na habang hindi alam kung ang tatlong senior citizens,hindi natahimik ang kanilang pamilya. Hay salamat at nakabalik na sila.

Mapanood kaya natin sa Kapuso Mo Jessica Soho ang kuwento ng kanilang pagkawala sa China?

Mga Pinoy naaagawan ng trabaho?!

Parang déjà vu sa akin ang issue ng mga dumaraming bilang ng Chinese na nagkalat ngayon sa bayan natin. Naalala ko na noong bata pa ako, Intsik ang mga nagtitinda ng taho.

Mga Chinese rin ang nagmamay-ari ng mga sari-sari store.

Noon pa man, nagkalat na sila sa Pilipinas pero ang kaibahan lang, mahihirap sila. Ngayon, sila na ang mayayaman sa bansa natin dahil sa kasipagan nila.

Sa kabuuan ng pagiging elementary student ko, ang Intsik na nagtitinda ng taho ay nakikita ko pa, ang sari-sari store ng mga Chinese sa lugar namin sa Sampaloc naroroon pa rin, si Ahpee ang Chinese store owner na may asawang Pinay.

Tulad ng mga Bombay na inuutangan ng nanay ko at ng mga kapitbahay namin, matagal nang naninirahan sa bansa natin ang mga Chinese.

Pero ngayon, kung talagang pati ang mga Pilipino, naagawan na ng trabaho ng mga Chinese, dapat talaga na maalarma tayo.

Umaalis na nga ng Pilipinas ang mga kababa­yan natin para maghanap ng trabaho sa ibang bansa kaya dapat maging mahigpit ang pamahalaan natin. Huwag hayaan na makuha ng ibang lahi ang para sa mga Pilipino. Kung hindi makakaya ng mga Pinoy ang trabaho, saka ibigay sa iba.

FERNANDO POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with