Fashion designer na si Eddie Baddeo namayagpag nung 80s and 90s!
May lungkot ngayon sa Philippine fashion industry dahil sa pagpanaw ng fashion designer na si Eddie Baddeo sa edad na 57.
Noong 2016 ay na-diagnose si Eddie with stage 2 colorectal cancer. Tatlong taon ding nilabanan ni Baddeo ang sakit na ito.
Kinumpirma ng kanyang long-time partner na si Edgar Medina ang pagpanaw ni Eddie noong nakaraang August 16 via Facebook.
Naging toast of the fashion industry si Baddeo noong ‘80s and ‘90s dahil sa kanyang pinausong avant-garde couture na gamit ang mga unconventional materials tulad ng CDs, venetian blinds at kung anu-ano pang indigenous materials.
Maraming veteran stars, socialites at supermodels ang nadamitan ni Baddeo through the years.Tumutulong din si Baddeo sa pag-raise ng funds para sa Philippine Cancer Society.
Ilang araw bago siya pumanaw, nag-celebrate ito ng kanyang 33 years sa fashion industry. May ila-launch pa sana siyang coffee table book titled Obra Maestra next month sa Cultural Center of the Philippines.
Ilang taon din naming nakatrabaho si Baddeo noong nagsusulat pa kami sa Women’s Journal magazine from 1998 to 2003. Nakakasama namin siya sa ilang photo shoots at naging tambayan namin ang shop niya sa may West Avenue, Quezon City.
Kung inakala ng marami na mataray si Baddeo, ang totoo ay napakabait at masayahing tao ito. Tuwing magkukuwentuhan kami, gusto niyang ma-update siya sa latest showbiz chismis.
Paalam Eddie Baddeo...
Mark at Nicole inilantad na ang relasyon
Inamin na nila Mark Herras at Nicole Donesa na may relasyon sila.
Nagsimula ang lahat sa taping ng teleserye na Bihag. Noong magtapos na ang naturang teleserye, inamin na ng dalawa ang kanilang relasyon.
Noong una raw ay tinatago pa nila ang kanilang relasyon dahil kapwa sila galing sa failed relationship. Pero hindi nga nakawala sa ilang netizens ang mga nagaganap sa set ng Bihag at tila tinututukan nila ang kilos nila Mark at Nicole.
Ngayon at kinumpirma na nila ang kanilang relasyon, malaya na silang makitang magkasama parati at hindi na kailangang magtago pa.
Tulad na lang nang pagsama ni Nicole kay Mark noong magpagupit ito sa isang salon. At nang isama ni Mark si Nicole sa isang family gathering nila.
American reality stars na sina Todd and Julie Chrisley huli sa kasong tax evasion at fraud charges
Inaresto ang American reality stars na sina Todd and Julie Chrisley sa Georgia pagkatapos silang kasangkot sa kasong tax evasion and fraud charges.
Bida sina Todd at Julie sa hit reality show na Chrisley Knows Best na umeere sa USA Network since 2014. Naka-seven seasons na ang naturang reality show.
Ayon sa report ng CNN, kabilang sa 12-count indictment ng mag-asawang Chrisley ay ang committed bank fraud and wire fraud conspiracy, among other offenses.
Kasama rin sa kakasuhan ang accountant ng mga Chrisley na si Peter Tarantino for tax offenses.
Bago maaresto, nag-deny pa si Todd Chrisley sa charges against him via Instagram. Nabanggit din niya na isang disgruntled former employee ang siyang nagnanakaw sa kanilang pamilya by creating false documents, forging signatures at paglagay ng bug sa kanilang bahay.
Pero nahaharap nga raw ang Chrisleys sa mas malalaking kaso pa ayon kay US Attorney Bjay Pak.
- Latest