Tony at Jin parehong talunan sa Boyband bago mapansin
May something in common ang in demand leading man na si Tony Labrusca at ang current winner ng BidaMan ng It’s Showtime na si Jin Macapagal.
Pareho silang sumali ng Pinoy Boyband Superstar, but, unfortunately, hindi nagwagi.
Well, kasalukuyan na silang leading man ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na Momalland kung saan kasama rin si Anne Curtis sa cast.
Of Tony, he has appeared as leading man to just about every important Kapamilya leading lady. Ang latest sa mga nakasama niya ay si Bela Padilla, na gumanap bilang kanyang misis sa Sino Ang May Sala? Mea Culpa.
Nakasama rin nila sa said series si Jodi Sta. Maria.
Mas napansin si Tony nang makatambal niya si Angel Aquino sa Glorious, na ngayon ay well-followed sa iWant.
Of Jin naman, his prizes as the Ultimate BidaMan, include a cash prize of P2-M (million, yes), a brand new SsangYong Musso pick-up truck at house and lot from Lumina, and a management and movie contract with ABS CBN.
Sina Tony at Jin ay parehong 24 years old.
Juliana suwerte sa pagiging bungal
Sa isang milyon na kanyang napanalunan bilang Ms.Q&A winner sa programang It’s Showtime, ayon kay Juliana Segovia ay nabayaran niya ang mga pinagkakautangan nila ng kanyang ina.
Nakalipat na daw sila ng bahay, isang bahay na maayus-ayos, compared sa dati nilang tirahan.
Nakabili rin daw siya ng ilang magagandang personal na gamit na mas presentable kaya naman napili siya na gumanap sa isang role sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, top billed by Coco Martin.
Kasama rin si Juliana sa cast ng soon-to-be released na pelikula ni AiAi delas Alas, ang And Ai Thank You kung saan kasama niya rin sina Dennis Padilla, Kakai Bautista at Rufa Mae Quinto.
Sayang, Salve A., ‘di namin naitanong kay Juliana kung wala siyang balak magpa-pustiso ng ngipin.
Kung sabagay, baka suwerte siya sa pagiging bungal.
AiAi kay Ate Vi gustong mapunta ang buhay ni Mother Lily
May mga nagsa-suggest pala na kay AiAi delas Alas na ipagkatiwala ang role ni Mother Lily, well, at her age now.
As the young Lily Monteverde kasi, sa pelikulang gagawin ng kanyang mga anak na sina Dondon at Roselle Monteverde, at ididirek ni Erik Matti, yes, based on Mother Lily’s life, si Judy Ann Santos ang gaganap.
As her age (she’s turning another year older on August 19), funnier than thou pa rin si Mother like AiAi.
AiAi suggests, though, na kay Lipa Representative Vilma Santos na ipagkatiwala ang role intended for her.
Matatandaan years back, when Mother Lily did a movie, titled Makaibigan, Magkaribal, based sa true to life story niya (Mother Lily) at ng isa niyang dating best friend, ang mga artistang gumaganap ay sina Vilma Santos at Alma Moreno. Ang direktor ay si Elwood Perez.
Walang duda nga kasing very colorful ang life ni Mother Lily, both as a private person and a businesswoman.
Well, especially as a movie and TV producer.
Well, ang tanong ngayon, sino naman kaya ang gaganap bilang si Father Remy (Monteverde)?
And, of course, ang kanyang mga anak, five of them, kabilang na sina Dondon at Roselle, of course.
- Latest