Alden nakipag-bonding sa Divisoria
Bago lumipad kahapon si Alden Richards para sa international screening ng movie nila ni Kathryn Bernardo sa Dubai, nag-first taping day muna siya sa bagong Kapuso soap na The Gift.
Sa Divisoria ang location ng taping at walang kiyeme ang Pambansang bae kahit masikip, maraming tao at umuulan sa lugar.
Tindero sa Divisoria ang character ng Kapuso actor na may diperensya sa paningin.
“Nandito tayo sa Divisoria, siyempre marami tayong mga Kapuso dito na hindi ganoon kadali ang buhay araw-araw at hirap sila.
“’Yung story ng soap is parang magbibigay pag-asa in everyday life na hindi puwedeng nandoon lang tayo sa problema,” saad ni Alden sa isang interview.
Titled The Gift, makakasama ni Alden sina Jo Berry, Mikee Quintos, Thia Thomalia, Rochelle Pangilinan, Jean Garcia, Elizabeth Oropesa at Martin del Rosario.
Sen. Grace may gustong isulong sa movie industry
Inilabas ni Senator Grace Poe sa Twitter account niya kahapon ang isang panukala na may title na Philippine Independent Film Incentive bilang tulong sa local movies.
Mabibigyan ng grant ang award-winning films – P5M para sa full-length feature or documentary at P3-M para sa short feature or documentary.
Bukod sa cash incentives, bibigyan ng full tax exemption sa screening ang pelikulang may automatic na A rating.
“Sa tamang insentibo, mapagyayaman natin lalo ang pelikulang Pilipino #TuloyPOEangAksyon,” tweet ng senadora.
Reaksyon naman ng film critic/writer na si Phil Bert Dy sa tweet ni Senador Grace,
“What kind of awards? From which festivals? Because we “win” awards from all manner of “festivals” abroad. “cough” Across the Crescent Moon “cough.”
“Also, this doesn’t address the fact that local cinemas still won’t show these films.”
- Latest