Manny mabait sa mga nakakatrabaho
MANILA, Philippines — “Age doesn’t matter,” komento ng aktres at tumakbong vice mayor ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano tungkol sa naging laban ni Senator Manny Pacquiao sa edad nitong 40 kay Keith Thurman.
Nagkasama ang dalawa noon sa pelikulang Basagan Ng Mukha, at doon nakita ni Barbara kung gaano kabuting tao si Sen. Manny. Humble raw ito at friendly at talagang maalalahanin sa mga kasama sa trabaho.
Noon ngang naabutan kami ng malakas na ulan sa shooting sa Calatagan, Batangas, binigyan niya kami ng extra na mga damit bilang pamalit.
Panalo pa rin si Sen. Manny sa kanyang huling laban, at ayon sa kanya, wala pa raw siyang balak tumigil sa pagiging boksingero.
Monsour babawi sa pamilya
Kararating lang ng Pilipinas ni Monsour del Rosario mula Alaska, Las Vegas, California at Victoria, Canada, at ngayon lang ito babawi sa kanyang pamilya. Matagal-tagal na rin kasi mula nang maka-bonding niya ang mga ito dahil naging busy siya sa pagiging congressman ng Makati for almost 10 years.
Masaya si Monsour dahil suportado pa rin siya ng kanyang misis na si Joy Zapanta kahit na napakarami niyang ginagawa, at ngayon panahon na para makabawi siya sa mga ito.
Maligayang Kaarawan!
Birthday greetings to July born celebrants:
Solenn Heussaff, Rayver Cruz, Anjanette Abayari, Alessandra de Rossi, Claudine Barretto, Agot Isidro, Gerry Baja, Biboy Ramirez at Roselle Monteverde.
- Latest