^

Pang Movies

DZMM programs nakaka-inspire

YSTAR - Baby E - Pang-masa
DZMM programs nakaka-inspire

Seriously Salve A., we appreciate it very much, when from time to time, DZMM Radyo Patrol at DZMM Teleradyo, allow us the privilege na ma-interview, kung hindi man, makausap man lang, ang akala ng marami ay mailap nilang mga anchor.

Tulad noong Thursday, we came face-to-face with Danny Buenafe at Rica Lazo, both anchors ng programang Good Job, at nina Ariel Ureta at Winnie Cordero, na todo-todo ang sayang ibinibigay as hosts ng programang Todo-Todo Walang Preno.

Nakaka-inspire makinig ng Good Job nina Danny at Rica, dahil feeling mo abot-kamay lang ang trabahong hinahanap mo. As it is nga kasi, tinatalakay sa Good Job ang job vacancies at opportunities dito sa atin at sa ibang bansa.

Nagge-guest sila ng iba’t ibang representative ng gob­yerno at mga private firm na nagbibigay ng tips on how one can join the companies they represent.

News legend nang maituturing si Danny B., since naging News Bureau siya ng ABS-CBN sa Middle East at Europe. Wow Trending anchor naman na maituturing si Rica, since napapakinggan at napapanood siya both sa DZMM at ANC.

Of TV anchor Ariel Ureta, na napapanood daily sa U­magang Kay Ganda (UKG) at Todo-Todo Walang Preno (TTWP), there’s no further introduction needed.

After all, fresh pa sa isipan ng mga tao that he was host of the TV show kung saan na-discover ang noo’y itinuring na Child Wonder na si Niño Muhlach.

Nakaganap din siya sa pelikula at naging bida sa pelikulang Zoom Zoom Superman, followed by Si Popeye at iba pa. Parehong nai-release ang dalawang pelikulang nabanggit in 1973.

Sayang at wala na yatang kopya ang mga ito, since Sine Pilipino, which produced it has long closed shop.

Isa sa mga executives ng Sine Pilipino was the late Douglas Quijano.

Before he joined showbiz, ani Ariel, nagtrabaho muna siya sa isang advertising agency.

But there’s no doubt, that Ariel is enjoying his job as anchors of two popular radio-TV shows, where he both have for partner Winnie Cordero na kakaiba rin ang istilo sa pag-a-anchor. She is both giggly but seryoso at the same time.

Pareho nang may mga asawa sina Ariel at Winnie. Ang kaibahan lang, Winnie now a lola to a four year-old boy.

Ariel naman is married to a niece ng kilalang actress-TV host na si Boots Anson-Roa, with whom he has six children, the eldest of whom is 23 who finished his engineering course magna cum laude.

Her youngest child is six years old.

Arjo at Maine agaw-atensyon sa concert

Sweethearts Arjo Atayde at Maine Mendoza were a big attraction sa katatapos lang na concert ng LANY, held at the Mall of Asia (MOA) Arena.

LANY stands for Los Angeles New York, at itinuturing na most streamed artists of 2019 dito sa Pilipinas. Talo raw nila ang K-Pops dito sa Pilipinas, based sa claim ng music-streaming sight, Spotify.

Arjo was a recent recipient of the best supporting actor trophy for his performance in BuyBust ng katatapos na The Eddys, Entertainment Editor’s Choice 2019.

In the case of Maine, sa kasalukuyan, nag-a-acting workshop siya for her first still untitled flick with Carlo Aquino for Black Sheep Productions.

Dagul apektado sa pagtatapos ang Goin’ Bulilit

Isa sa tiyak na malulungkot at maapektuhan sa pagtatapos sa himpapawid ng kiddie gag program of 14 years na Goin’ Bulilit ay ang kilalang host nito na si Dagul o Romy Pastrana in real life.

Dagul has been with the show since na-conceptualized ito ng dating aktor na ngayong kilala na bilang TV director at producer na si Edgar Mortiz.

Ang daming big stars na ngayon na dati’y mainstay ng Goin’ Bulilit, foremost of course, ay si Kathryn Bernardo, plus Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Kiray Celis at Nash Aguas.

Dagul run for Councilor ng Rodriguez in Montalban, Rizal, but unfortunately ay ‘di nanalo.

DZMM RADYO PATROL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with