^

Pang Movies

Franchise ng ABS-CBN may pag-asa na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pagkatapos ng napakahabang usapan at banta ng harangan, biglang lumabas na wala naman pala kay Presidente Digong Duterte ang kapangyarihan para gawin ang banta niyang huwag bigyan ng franchise ang ABS-CBN. Maliwanag ngayon ang mga pangyayari na kung may batas man sa franchise na pinalabas ang kongreso at hindi pirmahan ng presidente, maaari ring maging batas “in time”.

Ano ba kasi ang nangyayari sa mga ginagawang batas? Pinagtitibay iyan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, tapos dinadala sa Malacañang para pirmahan ng presidente at maging isang batas. Minsan sa tingin ng presidente may mga nakikita siyang hindi niya gusto, ibabalik niya iyan sa kongreso. Pag-aaralang muli iyan ng kongreso, aayusin at pagkatapos ibabalik sa Malacañang. Kung hindi man pirmahan ng presidente ang isang batas na ginawa ng kongreso, maaa­ring maging batas iyon “in time”.

Naging example nga ngayon iyong franchise ng TV5, na hindi rin napirmahan ng presidente pero naging batas at nagkaroon ng bagong franchise. Ganoon din ang nangyari sa franchise ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko sa Pilipinas na hindi rin pinirmahan ni Presidente Digong.

Ang kaibahan nga lang, wala namang galit ang presidente sa TV5. At kung ang mananaig sa kongreso na ang dalawang kapulungan ay hawak ng mga kakampi ng presidente ang mayorya at maisip nilang ayaw nga ng presidente sa ABS-CBN, maaaring maulit ang nangyari noong nakaraang kongreso.

Naupuan ang panukalang batas sa Kamara, hindi na nakarating sa senado, at walang pipirmahan talaga ang presidente. Walang franchise. Pero kung sa kabila ng sinasabing galit ng presidente ay palulusutin pa rin iyan ng dalawang kapulungan ng kongreso, tiyak ang franchise ng ABS-CBN.

Ang tanong, ano kaya ang mananaig?

Pelikula ni Juday hindi maisingit sa mga sinehan

Inamin ni Judy Ann Santos sa isang interview na ang pelikula niyang idinirek ni Brillante Mendoza na balak isali sa Metro Manila Film Festival ay dalawang taon nang tapos. Maliwanag ang sinabi ni Juday, “ginawa ko iyan kasabay pa noong Dalawang Mrs. Reyes. Hindi nila nailabas kasi naghihintay sila ng magandang timing”.

Ganyan talaga kadalasan ang nangyayari sa mga pelikulang indie. Kasi nakakasabay nila ang mga mas malalaking pelikula. Aminin na natin na ang mga malalaking pelikula, mas pinanonood ng mga tao kaysa sa indie. Kung iyon ang pinanonood ng mas maraming tao, natural iyon ang bibigyan ng priority ng mga sinehan. Hindi mo mapipilit ang mga sinehan na ilabas ang pelikula mo, after all ang mga sinehan ay itinayo bilang negosyo at hindi charitable institution na susuporta lang sa mga mahihinang pelikula.

Aktor na ‘di gaanong sumikat ibinubugaw na lang ng bagong manager

Dinala ng kanyang bagong manager ang isang hindi naman talagang baguhan, kundi datihang hindi sumikat dahil walang talent, sa kalabang network ng pinagmulan noon.

Tanggap naman siya. Ang katuwiran niya, kaya niya nilayasan ang dati niyang manager dahil daw hindi siya maikuha ng trabaho. Hindi siyempre niya tanggap na may hitsura nga siya pero wala siyang talent.

Eh iyon daw bago niyang manager, naikukuha siya ng legal na trabaho at ang kuwento niya sa mga kaibigan niya, nabibigyan pa siya noon ng mga “ok na sideline”. Medyo sikretong “sideline” nga lang iyon.

Iyong manager naman niya ngayon, mas matinik sa “sideline” kaysa pagma-manage ng talents. Ibig sabihin talagang kikita siya nang malaki dahil sa “sideline”.

Ganoon lang talaga ang buhay.

DIGONG DUTERTE

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with