^

Pang Movies

Ina walang planong pakasal sa BF

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ina walang planong pakasal sa BF
Ina Feleo

Hindi ikinakaila ng 32-year-old actress, dancer, skater at writer na si Ina Feleo na kinukulit na umano siya ng kanyang ina, ang mahusay na actress-director na si Laurice Guillen ng apo pero wala umano sa plano nila ng kanyang Italian boyfriend of two years na si Giacomo Gervasotti na magpakasal.

Inamin ni Ina na gusto rin niyang sundan ang mga yapak ng kanyang ina bilang director pero alam niyang mahirap pantayan ang kanyang mommy na isa sa pinakamaga­ling na director sa kasalukuyan. “My mom will  be my inspiration kapag pinasok ko someday ang pagdidirek,” ani Ina who is Catalina Guillen Feleo in real life.

Gusto ni Ina na idirek ang isang material na siya rin mismo ang magsusulat. Pero sa ngayon ay focused muna siya sa kanyang pagiging actress.

Kasama siya sa bagong simulang  primetimeTV series The Better Woman ng GMA na tinatampukan nina Derek Ramsay at Andrea Torres at meron din siyang upcoming movie.

Mader Ricky hulog ng langit…

Gusto naming pasalamatan ang beauty czar, TV host at philanthropist na si Mader Ricky Reyes dahil bukod sa libu-libong tao na ang kanyang natulungan hindi lamang sa mga livelihood project na kanyang pinamunuan, libo na ring mga batang may sakit na kanser ang kanyang natulungan  sa pamamagitan ng kanyang pet project, ang Child Haus na may conduit sa iba’t ibang pampublikong pagamutan at kasama na rito ang Philippine Ge­neral Hospital o PGH.

Ang 15-year-old Child Haus na nagsisilbing temporary shelter ng mga batang may sakit na kanser kasama ang kanilang magulang o guardian ay siya ring pansamantalang tahanan ngayon ng dating pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at kasamahan namin sa panulat na si Manay Letty Celi.  Si Manay Letty ay kinukupkop ngayon ng Child Haus matapos itong ilipat mula sa isang pribadong hospital ng Sta. Rosa, Laguna kung saan ay inabot ng P138,000 ang kanyang hospital bills na binuno ng isa pang kaibigan at kasamahan sa panulat na si Erlinda Rapadas mula sa iba’t ibang donors para lamang mabayaran ang nasabing hospital bills.

Although patuloy pa rin ang treatment kay Manay Letty sa PGH, malaking tulong sa kanya ang Child Haus dahil bukod sa malapit ito sa PGH, libre ang kanyang board and lodging kasama ang anak na si Jenny maging ang kanyang pagpapagamot.

“Hulog ng langit” ang description ni Manay Letty kay Mader Ricky na naisakatuparan ang pangarap na makapagpatayo ng temporary shelter ng mga batang may sakit na kanser sa tulong ng pangulo ng SM Holdings, Inc. na si G. Hans Sy na siyang nagbigay ng 7-storey building sa Child Haus sa may Agoncillo St. sa Paco, Manila na kumpleto ng iba’t ibang amenities maging ang isa pang malaking bahay sa may Brgy. Pinyahan in Quezon City.

“Hindi naman matutupad ang pangarap kong magtayo ng Child Haus kung hindi na rin sa tulong  ng mga donors and sponsors na patuloy na tumutulong na maipagpatuloy ang operasyon ng Child Haus,” pag-amin ni Mader Ricky.

INA FELEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with