^

Pang Movies

Child Haus inuulan ng tulong at pagmamahal!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Child Haus inuulan ng tulong at pagmamahal!

May kuwento, Salve A., behind the existence of a Health Center, Child Haus, on Agoncillo Street in Ermita, Manila, na ang nagma-manage at nag-o-operate ay ang beauty expert cum philanthropist na si Ricky Reyes.

Bale si Ricky na rin ang nagma-manage ng institution, na nagse-serve bilang temporary shelter ng mga batang afflicted with cancer at galing probinsya. Pawang mahihirap ang pamilya ng mga bata. Kaya, malaking problema kung saan sila titira with their respective companions. Kasama na, of course, kung saan nila kukunin ang kanilang gastusin sa araw-araw, lalo na sa pagkain habang sila ay nagpapagamot.

Dito, wika nga, pumasok sa eksena si Ricky. Malapit siya sa mga Sy, may-ari ng sikat ng kung ilang branches mayroon ang SM Mall. Particularly sa anak ng nasirang si Henry Sy, si Hans Sy.

Si Hans Sy ang nagse-serve as president of the SM Shopping Center Management.

In any case, when Hans Sy heard from Ricky about the Child Haus, he proposed to have a building built near the PGH (Philippine General Hospital), kung saan nagpapagamot ang mga batang may cancer.

Well, of course, ng libre.

At first, ani Ricky, reluctant ang may-ari ng lupang kinatitirikan ngayon ng Child Haus building na ipagbili ang property. The owners relented, though, nang malaman nila ang dahilan kung bakit interested si Hans Sy na mabili ito.

Close to P80 million daw ang nagastos for the seven-floor story building sa Agoncillo Street. Na bawat floor ay may service elevator.

Kumpleto sa lahat din ng facilities ang building. Two floors serve as dormitory for the patients and their companions. Mayroon ding kitchen at eating area.

May buong floor na recreation area lang para sa mga batang pasyente. Sari-saring laruan at paglalaruan ang makikita sa nabanggit na floor.

Of course, bawat floor ay may kaukulang toilets, plus bathrooms, separate ang sa boys at sa girls.

Natural na may laundry area din.

Sundays and holy days, may misang nagaganap sa receiving area. Ang paring si Father Anthony Lucas, ng isang parish sa Mandaluyong ang nag-o-officiate ng mass.

Must, ayon kay Ricky, that everyone prays the rosary bago matulog.

Paano name-maintain ang kalinisan ng building, especially ng bawat floor? Tanong namin kay Ricky, who allowed us the privilege, and even accompanied us to take a look at every floor of the building.

Well, they have an office raw, sa building din mismo, with employees, who help run the day-to-day activity ng center.

“Matutuwa siguro kayong malaman na mismong ang mga chaperon ng patients ay tumutulong sa paglilinis at sa pag-maintain ng magandang samahan among them.

“After all, they are allowed to stay in the center, hanggang sa matapos ang treatment ng kanilang inaalagaang pasyente,” tukoy pa ni Ricky.

Marami raw volunteers sa center, na labis ikinatutuwa ni Ricky. Kabilang na ang TV host na si Karylle ng It’s  Showtime.

Minsan daw ay bigla itong darating na mara­ming dalang pasalubong, in terms of damit, tsinelas, pagkain at laruan sa mga batang patient.

May mga pagkakataon din daw na may dala-dala itong bus, para ipasyal ang mga bata sa park. O, laruang pampubliko na pambata.

May mga volunteer doctors din daw na dumarating. Sometime, just to cheer up the young patients.

May mga grupo rin daw ng mga estudyateng who sing sa mga bata. Or, merely play with them.

Pagtatapos ni Ricky: “Marami pa ring mababait na tao sa ating kapaligiran.

“God bless them. God bless us all.”

Amen, Ricky.

vuukle comment

CHILD HAUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with