^

Pang Movies

Tili ng fans... Joshua at Julia super fake ang pagiging mag-bestfriend!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tili ng fans... Joshua at Julia super fake ang pagiging mag-bestfriend!
JoshLia

Hindi namin alam kung paniniwalaan namin sina Joshua Garcia and Julia Barretto sa bago nilang pahayag ngayon na nagdesisyon na lang daw silang maging best of friends.

Sa exclusive interview sa JoshLia ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, tinanong ang dalawa kung hiwalay na sila at ang unang sagot ni Joshua ay hindi raw ito totoo.

“Hindi, hindi totoo ‘yun, may pinagdaanan lang kami na normal couple na pinagdadaanan. Pero okay kami ngayon, masaya kami ngayon,” sabi ni Joshua.

Pero sa kasunod na statement, both of them revealed na nagdesisyon na lang silang maging best of friends.

“Napagdesisyunan namin na. . .ah,” sabi ni Joshua.

Singit naman ni Julia, “for now. . .”

Ulit ni Joshua, “for now. . .” at pagkatapos ay nagtinginan muna sila ni Julia na parang nagtatanungan kung sino ang unang magbe-break ng news.

Sa tinginan pa lang na ‘yun ay makikitang ang sweet-sweet pa rin nila, huh! Pa-cute sila pareho at parang nagtuturuan kung sino ang magsasabi. Matagal ‘yung kulitan na ‘yun at palambing pang sabi ni Joshua kay Julia, “ikaw na ang magsabi.”

Tawa lang nang tawa si Julia at hindi naman masabi. “Ha?” sweet din niyang sabi kay Joshua.

Pero sinabi na rin ni Julia.

“For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin,” say ni Julia.

Dugtong naman ni Joshua, “best friends” na inayunan din ni Julia.

“Yeah, right now, we are the bestest of friends. We have managed to remain the bestest of friends,” sey ni Julia.

Sa isa namang video, makikitang tinanong ni MJ si Julia kung totoo ba ang issue ng third party with Gerald Anderson na as we all know ay nakasama ng young actress sa isang pelikula recently.

“No, absolutely not,” sabi ni Julia.

Sabi naman ni Joshua, “hindi naman totoo ‘yun. Hindi naman magagawa sa akin ni Julia ‘yun at saka (hindi) magagawa ni Kuya Gerald. Kuya ko na ‘yun, eh.”

Tinanong din sila kung ano ba ang pinag-awayan nila at sagot naman ni Joshua, “ibigay n’yo na lang sa amin ‘yun. Kung baga, para na lang sa aming dalawa ‘yun, kung anuman ang nangyari.”

When asked kung na-patch up naman agad, “yes” naman ang sagot ni Julia.

“You know, I think, like a normal couple, talagang di ba, you’ll go through phases at some seasons in that relationship. But I’m glad na kami ni Josh, through it, there was constant communication,” saad ni Julia.

Sa mga kilos ng dalawa, parang masaya pa sila na hindi normal na makita sa dalawang taong kabe-break lang. Wala ka man lang makikita kahit kaunting sadness kaya hindi namin alam kung totoo ba or hindi ang kanilang mga sinasabi.

Besides, may inconsistency rin dahil ang unang sagot ni Joshua ay hindi raw totoo na hiwalay na sila kungdi may pinagdaanan lang sila.

Ang ilang netizens naman ay nagtatanong kung naging sila ba in the first place or dahil lang sa loveteam kaya sila umaming sila noon.

Komento nga ng isang netizen, “this is the most awkward and fake video of two people who ‘didn’t break up’ and are the ’bestest of friends’. Gosh kiddos, please be true to yourselves and don’t be in a relationship for the sake of your career. If you have talent, let that be the one people will admire about you instead of the thrill or kilig you give to the fans.”

vuukle comment

JOSHLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with