^

Pang Movies

Dobol B sa News TV, hanggang linggo na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dobol B sa News TV, hanggang linggo na!

Mula Lunes hanggang Linggo na, 6AM to 12NN ang Dobol B sa News TV simula nitong Lunes. Of course, present pa rin sa sari-sarili nilang programa sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel at Ali Sotto.

Mas dinagdagan nila ang anchors at news reporters na maghahatid ng balita at iba pang contents para sa manonood.

Dahil sa pagkuha kay Ali Sotto sa Sino? Kasama si Arnold Clavio, naging household word na ang dating singer at artistang si Ali. Bigo man siya sa unang pangarap na maging newscaster, dahil sa sunud-sunod na awards na natanggap niya, nagkaroon siya ng lugar sa news and public affairs.

“It’s a little known fact that when I was 17, I auditioned for newscaster. They told, ‘We’ll call you, don’t call us. ‘They never called. Bata pa lang ako, gusto ko nang maging newscaster. Nalihis lang ako sa singing, as recording artist tapos nag-artista ako,” pahayag ni Ali sa mediacon ng pagbabago sa GMA News TV.

“God has a funny way of putting you where God wants you to be,” dagdag ni Ali.

Baguhang singer nabuking ang bagong hiwa sa mukha!

Nabuking ng netizens ang pagiging retokado ng isang baguhang singer dahil sa bakas ng mga hiwa sa bandang mukha niya.

Eh alam naman ninyo ang netizens na hindi masyadong busy sa buhay, ang social media ang mundo nila kaya marami silang oras na manood ng videos ng mga artista.

At sa recent interview ng singer, na uploaded sa isang site at doon naging harsh ang netizens sa paglabas ng comments. “Aga naman niyang nagparetoke!” komento ng isang netizen.

“Halata pa ang mga hiwa sa mukha niya huh!” sey naman ng isa.

Dahil sa freedom of expression sa Konstitusyon, malayang bumatikos ang netizens ngayon lalo na sa mga artista. Pero kadalasan kapag hinanap ang account ng bumabatikos, madalas na private ang account nila, huh!

Takot din kasi na makasuhan ng libel under Anti-Cyber Law!

vuukle comment

NEWS TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with