^

Pang Movies

‘Confidence should start from you’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Confidence should start from you�

Makikita ang difference ng isang bagong star kapag na-feel natin ang confidence niya. May mga tao kasi na kahit maganda at matalino pero lacking in confidence.

May mga tao naman na ordinary ang beauty at street smart lang pero umaapaw ang confidence kaya stand out sila sa crowd.

Nanggagaling sa loob ang confidence. ‘Yung inner feeling mo na wala kang fear, doubts at complete person ang tingin mo sa sarili kaya dito nagkakatalo ang pangit at maganda, ang mga  bobo at ang matatalino.

Kung type ninyo na magkaroon ng confidence, kayo ang dapat na unang maniwala at bumilib sa inyong mga sarili.

Kung hindi ka naniniwala sa kakayahan mo, sino pa ang maniniwala sa’yo? It should start from you and within you at kapag ito ang ginawa ninyo, winner kayo sa paningin ng lahat.

Kung gusto ninyo na mag-stand out, dapat na maging confidently beautiful and bright para hindi kayo matalo.

Sa showbiz, marami ang mga artista na magaganda at guwapo pero walang X Factor kaya supporting roles lamang ang mga ibinibigay sa kanila.

Kung magkakaroon ng X Factor at oozing with confidence ang lahat ng mga artista, wala nang mga supporting character dahil bida ang lahat na imposible na mangyari.

May mga artista na ordinaryong-ordinaryo ang itsura pero mahal na mahal ng camera as in nagmumura ang kanilang kagandahan at kaguwapuhan pero once na makita n’yo sila nang personal, magugulat pa kayo dahil ibang-iba ang mga mukha nila.

One classic example ang namatay na bold star na si Claudia Zobel na binigyan ni Mother Lily Monteverde ng launching movie, ang Shame.

Dahil Zobel ang family name ni Claudia, kolehiyala na naghubad sa unang pelikula niya ang mga publicity noon tungkol sa kanya.

Malaking isyu rin na diumano, kamag-anak siya ng mga Zobel at Ayala na pinaniwalaan ng mga tao kaya pinilahan sa box office ang Shame nang ipalabas ito sa mga sinehan noong 1983.

Si Sharon Cuneta ang pinakasikat na youngstar noon pero for the first time, nakatikim siya ng flop movie dahil mas pinanood ng publiko ang Shame kesa sa kanyang pelikula na To Love Again na unang film project ni Miguel Rodriguez.

Seksing-seksi at very photogenic si Claudia pero sa personal, hindi sasagi sa isip mo na siya ang bold actress na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan.

Nakakaloka pero totoo ang kuwento tungkol kay Inday Badiday nang magpunta ito sa Regal Films office sa Valencia para interbyuhin si Claudia.

Gustong-gusto ni Badids na uminom ng kape kaya nang makita niya ang isang girl sa Regal Films office, naglambing ang Queen of Intrigues na ipag­timpla siya ng kape.

Pairalin na lang ninyo ang wild imagination sa naging reaksyon ni Badids nang malaman nito na si Claudia ang girl na inutusan niya na ipagtimpla siya ng kape. Ibang-iba nga kasi ang mukha ni Claudia sa personal, sa screen at sa kanyang mga pictorial.

Pelikula nina AiAi at Bayani Ipapalabas na

Sa Lunes, June 17 ang red carpet premiere ng Feelennial sa SM Megamall Cinema.

Sure na dadalo sa premiere ang stars ng pelikula, sina AiAi Delas Alas, Bayani Agbayani at siyempre, si Pops Fernandez, ang produ ng must-see comedy movie.

Tulad nang pakiusap ni Bayani, tangkilikin po natin ang mga pelikulang Pilipino bilang suporta sa industriya at sa mga first-time movie producer na kagaya ni Pops para masundan pa ang mga project nito.

vuukle comment

CLAUDIA ZOBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with