Jimmy may lihim na ngiti
Nakangiti marahil ngayon ang singer na si Jimmy Bondoc dahil sa lumabas na balita sa Philippine Star na naka-freeze sa Congress ang bill para ma-renew ang franchise nito na ang expiration ay sa March 20, 2020.
Remember, kinuyog si Jimmy dahil sa nakaraang post sa Facebook tungkol sa isang giant network na nalalapit na umano ang “demise.” Eh alam ninyo naman, pag hindi na-renew, hindi na puwedeng mag-operate ang network.
Ayon sa report, mula pa noong November 2016 eh naka-pending na ang Bill 4349 sa Committee on Legislative Franchise. So kailangan daw mag-file ng renewal sa pagsisimula ng 18th Congress ngayong July 22.
Saad pa sa report,, “A key member of the legislative franchise committee said no action on any bill seeking to renew the ABS CBN franchise would be taken as long as President Duterte has complaints against the network.
“They have to thresh out and resolve their issues with the President. That’s the key to get the bill moving,” saad ng source na ayaw mabanggit ang pangalan.
Eh naging open naman ang presidente sa pagki-criticize ng network dahil sa hindi nito paglabas ng political ad niya noong tumakbo siya last 2016.
Kaya naman bilang preparasyon marahil sa hindi pag-renew ng franchise, gumagawa ang network ng movies na inilalabas sa digital platform.
Sa isang banda, ibinalita rin sa report ng broadsheet na ang pelikulang produced ng ABS-CBN ay ipalalabas sa China sa unang pagkakataon dahil sa naselyuhan na nito ang deal sa Phoenix Movie Channel simula sa September.
Sa FB page ni Jimmy, inilabas niya ang screen shot ng headline ng Philippine Star kahapon. One point na siya laban sa kumuyog sa kanya, huh!
- Latest