Mariel may agent na sa NY
Masayang ibinalita ng singer-actress at 2017 Bb. Pilipinas-International na si Mariel de Leon (Maria Angelica de Leon), isa sa apat na anak ng drama king na si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong na siya’y lumagda kamakailan lamang sa New York-based modeling agency, ang True Model Management na binuo ng dating model-entrepreneur na si Dale Noelle.
Hindi pa malinaw kung sa New York, USA magbi-base si Mariel o kung sa Pilipinas pa rin siya mamamalagi at maghihintay na lamang ng tawag sa ng kanyang bagong model agency sa New York.
Sa Pilipinas ay nakakontrata si Mariel sa talent management ni Leo Dominguez na siya ring namamahala sa respective careers nina Ogie Alcasid, Solenn Heussaff, Paulo Avelino, JC de Vera, mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Diaz at iba pa.
Digital series nina Shaina, Vin, at Loisa perfect sa pasukan
First time na nagsama-sama sa isang proyekto sina Shaina Magdayao, Loisa Andalio at Vin Abrenica sa digital series ng iWant na Past, Present, Perfect na pinamahalaan ni Dwein Baltazar na siya ring nagsulat ng blockbuster movie na Exes Baggage na pinagbidahan ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Siya rin ang nanalong Best Director at Best Screenplay sa pelikulang Gusto Kita With All My Hypothalamus na siya ring tinanghal na Best Picture sa nakaraang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards.
Bukod kina Shaina, Loisa at Vin, kasama rin sa cast ng Past, Present, Perfect sina Romnick Sarmenta, Allan Paule, Awra Briguela, Amy Nobleza, Angelie Sanoy, Elijah Canlas, VJ Mendoza, Alorah Sasam, Eda Nolan, Anthony Falcon, Iana Bernardez at Peewee O’Hara.
Napaka-perfect din ng timing ng digital series sa iWant dahil pasukan na sa school at relatable ang kuwento sa mga high school students na unang nakaranas ng kanilang crush at first loves.
- Latest