PMPC, 36 taon na
Ang bilis ng panahon talaga. Just imagine, 36 years na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards For Movies.
Ang PMPC ay itinatag noong September 1966 na pawang mga well-respected journalist ang incorporator na karamihan ay namayapa na.
Ang past presidents ay sina Danny Villanueva (SLN) 68-68, Tony Mortel, Billy Balbastro, Hermie Francisco, Ernie Pecho, Boy de Guia, Ethel Ramos, Vero Samio, Letty Celi, Ronald Constantino, Ricky Calderon, Nora Calderon, Jun Nardo, Julie Bonifacio, Nene Riego, Roldan Castro, Fernan Guzman, Joe Barrameda, at ang kasalukuyang ama ng PMPC, si Sandy Mariano.
Samu’t sari na ang ginawang project ng PMPC na talaga namang kapaki-pakinabang. Mahirap bilangin ang mga achievement ng club. Hindi lang sa sosyalan, outing at gaming ang alam nitong gawin no! At sa loob ng 36 years ng PMPC, isinilang ang Star Awards for Music at Star Awards for Television din na ang utak ay sina Oskee Salazar at Mario Bautista.
Hindi komo’t writer ka sa entertainment, madali kang matatanggap. Maraming requirements, marami pang masusulat na pangit at maganda sa PMPC, ipakita mong manunulat ka bawal ang nanghihingi, at halos karamihan sa members ay can afford.
Suspended or expelled ang isang member kapag bad ka at may malasado kang ginawa.
Ngayong June 2, Sunday, 36 years na po ang PMPC, beloved Philippine Movie Press Club na idaraos sa Resorts World Manila, 7:00pm. Good luck to all of us! God Bless us!
Goodluck din sa Airtime Marketing Inc. ni Tessie Celestino-Howard and all the staff.
Ang magaganap na award ay sa direksyon ni Bert De Leon.
- Latest