^

Pang Movies

‘Triple Lunch kinaya ko!’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kinaya ko kahapon ang ang triple back-to-back lunch na bigay sa akin ng mga loving friends ko. Dahil sa kagagahan ko, nag-yes ako sa sabay-sabay na birthday lunch invitation sa akin nina Senedy Que, Rams David at Peachy Guioguio.

Ewan ko kung pagmamahal o gusto lang akong mahilo ng mga loving friends ko kaya tatlo ang birthday lunch ko kahapon.

Akala ko okey na ang ginawa ko noon na back-to-back lunch kay Lynette at sa Bizaare na magkatabi ang restaurant kaya lipat at walk lang ang drama ko.

Pero kahapon, isa sa Pamana, Victorino’s at Limbaga 77 ang mga lunch treat sa akin.

Na-appreciate ko talaga ang effort. Si Senedy na every year, give niya ako ng birthday lunch, si Rams David na bonding time sa Triple A media team ang gusto at kay Peachy na talagang nag-effort na mapagsama ang circle of friends para sa once a year chikahan pero nahilo ako sa ikot sa tatlong restaurants.

Ako ang talagang may sala dahil babae ako na kaladkarin na basta inimbita, yes nang yes agad. Ang lesson? Magdusa ka!

Thai superstar susugod sa Pinas, Korean actor binigyan ng welcome presscon 

Bibisita rin pala sa Pilipinas sa susunod na buwan ang Thai actress na si Urassaya Sperbund, ang star ng The Crown Princess, ang Thai television series na napanood sa GMA 7 at natapos kagabi.

Darating sa bansa si Urassaya o Yaya sa second week ng June at okey sana kung maiimbitahan siya na bumisita sa GMA Network Inc. office.

Hit sa mga Pinoy ang The Crown Princess kaya kilalang-kilala nila si Yaya at si Nadech Kugimiya, ang leading man niya sa nasabing show.

Sa tunay na buhay, boyfriend ni Yaya si Nadech at superstar couple sila sa Thailand. Wish ng fans ng dalawa na gaya ni Yaya, bumisita rin sa Pilipinas si Nadech na counterparty nina Daniel Padilla at Alden Richards sa Thailand.

Mas sikat si Nadech kesa kay Mario Maurer na kinababaliwan din ng mga Pinoy. 

Busy ang GMA ha. Kahapon ay binigyan nila ng welcome presscon ang oppa na si Seo Kang Jun na napanood sa Cheese in the Trap. 

Gladys mabilis ‘nakuha’ si Vico

Ang bongga ni Gladys Reyes dahil si Vico Sotto lang naman ang guest niya sa coming soon episode ng Moments, ang talk show niya sa Net25.

Si Vico ang man of the hour dahil nanalo siya na mayor ng Pasig City sa nakaraang eleksyon. Marami ang  humahanga kay Vico dahil nagawa nito na talunin ang incumbent mayor na halos tatlong dekada na nakaupo sa puwesto.

Hindi lamang si Vico ang guest ni Gladys dahil pinaunlakan din ni Coney Reyes ang imbitasyon niya. Very close sina Gladys at Coney kaya hindi ako nagtataka na nakumbinsi ni Gladys ang mag-ina na umapir sa Moments.

Bong, Lani, at Jolo pinag-isa ang victory party

Noong Huwebes nang gabi ang joint victory party nina Senator Bong Revilla, Jr., Bacoor City Mayor Lani Mercado at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Ang staff at close friends nila ang mga imbitado sa victory celebration ng Revilla family.

Maligayang-maligaya si Bong sa muling pagkakahalal bilang senador kaya ipinakita niya uli sa mga bisita ang kanyang signature Budots dance na malakas ang recall at isa sa mga dahilan ng tagumpay niya.

Hindi lamang sina Bong, Lani at Jolo ang winners sa nakaraang eleksyon dahil wagi rin si Andeng Bautista na mayor ng Antipolo City at si Strike Revilla na re-elected congressman ng lone district ng Bacoor City.

 

URASSAYA SPERBUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with