^

Pang Movies

‘72 na pero acting like 17’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Masyado naman akong na-touch sa dami ng greetings at pa-lunch na binibigay sa akin. Gusto ko i-commend talaga sina Angel Javier at Pat P. Daza dahil grabe ang PR nila ha.

Papasok pa lang ang month ng May, ipinadala na nila sa akin ang gifts ng ABS-CBN at GMA 7. Feeling ko tuloy big star ako.

Tapos, overwhelming ang pagbati ng halos lahat ng staff ng politicians na close sa akin kaya hindi talaga puwedeng talikuran ang mga pinagsamahan.

I respect your opinion, your choice, kaya huwag n’yo rin pakialaman kung bakit mahal ko mga tao na naging mabait sa akin.

Ang Bizaare family ko na every year dapat may lunch tayo Salve dahil 45 years ko na silang kilala.

My God, si Lynette at Marivic na parehong taga-Makati City pero sinagasa ang traffic para ihatid ang gifts ko.

Hindi dapat kalimutan na si Kris Aquino ang buwena-mano dahil April pa lang, nandiyan na ang kanyang birthday gift para sa akin.

Ang mga beauty clinic at doctors na sabi ni Joey de Leon, ikinahihiya ako dahil ang dami kong warts.

Overwhelming for me ang napi-feel ko na love around me, at mag-ingat si Nap Gutierrez, papasukin ko na ang basketball kingdom niya dahil sa love kong si Terrence Romeo at Von Pessumal.

Hay sarap maging 72 feeling 27 at acting 17 ‘di ba!

Jinggoy binati ang mga nagwagi

Like a true gentleman, nag-concede na si former Senator Jinggoy Estrada dahil tinanggap na nito na hindi siya nagtagumpay sa kanyang senatorial bid sa midterm polls noong May 13, 2019.

Marunong si Jinggoy na tumanaw ng utang na loob kaya hindi niya nakalimutan na pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang kandidatura.

“Sa lahat ng neophyte senators na nagwagi, Sens. Bong Go, Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Imee Marcos, nawa’y tuparin ninyo ang inyong mga binitiwang pangako nu’ng panahon ng kampanya at malaki ang aking paniniwala na magiging maayos at productive ang senado dahil subok na ang inyong kasipagan at determinasyon na manilbihan sa taong bayan.

“Sa aking mga dating kasamahan sa Senado na nanalo, Sens. Sonny Angara, Koko Pimentel, Grace Poe, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Lito Lapid at Nancy Binay, ang aking pagbati. I truly hope that all of you maintain the independence of the Senate, an institution where our people look up to.

“Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Keep it up! You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend.

“Sa aking BFF at kakosa na si Sen. Bong Revilla, bagamat matagal tayong nagkasama at ngayon lang tayo maghihiwalay, ipagdadasal ko ang iyong tagumpay sa Senado at ipagpatuloy mo ang laban para sa katotohanan. I love you my friend!

“Sa kapatiran ng Iglesia ni Cristo at kay Ka Eduardo Manalo, maraming salamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin na mapabilang sa mga sinuportahan ninyo. Ito’y tatanawin ko na malaking utang na loob sa inyo habangbuhay.

“Kay Mayor Inday Sara at sa buong staff ng HNP, mara­ming salamat sa inyo. Hindi ko makakalimutan ang ating mga tawanan at mga kulitan. I will treasure all those memories,” bahagi ng pasasalamat niya.

ANGEL JAVIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with