Anak ni Kuya Germs, hindi nakawala sa showbiz
Akala ko ay ayaw ni Freddie (Federico Moreno) na mag-showbiz like his father, the one and only German ‘Kuya Germs’ Moreno.
Only child ng yumaong Kuya Germs si Freddie. Wala akong balita sa kanya simula nang pumanaw si Kuya Germs, bukod lang sa siya ay nag-aaral at involved siya sa Walk of Fame Foundation.
Matagal na nanahimik si Freddie kasama ang pinsan niyang si John Nite sa dating bahay nila ng kanyang pamilya sa Valencia, Quezon City.
Kamakailan lang, tumawag sa akin si Linda para ayain ako sa imbitasyon ni Freddie para sa isang merienda cena, lahat lang ng mga kaibigan ni Kuya Germs ang imbitado, at pagkalipas ng ilang taon. Ngayon lang uli kami nagkita ni Freddie. Aba, pogi pa rin siya, matangkad at malikot! Halos lahat kami ay niyayakap. Na-miss daw niya kami.
Sa ngayon ay abala siya sa kanyang business, ang Xcess-Salon na magkakaroon ng another branch. Meron na itong 36 branches na nasa iba’t ibang lugar, expert sila sa hair service, hand and feet therapy, waxing at make up strategy.
Ang mga ka-team ni Freddie ay sina Mateo Villanueva (Marketing Consultant),Joanna del Ponso (business day manager) at Elly Postor (creative director).
Nagpapatakbo na rin siya ng talent agency nga-yon, take note, sinunod niya ang paborito ng kanyang ama – ang mag-build up ng mga kabataang gustong mag-artista. Hindi lang ito basta-bastang talent agency ha, dahil international din daw ito.
Herbert tututukan din ang resto nila ni Harlene
Rest muna si Herbert Bautista, pero tuloy pa rin siya sa showbiz at politics.
Sabagay, may mga kanya-kanyang negosyo naman siya ever since, like ang resto na Salu na si Harlene Bautista ang real owner at co-owner si Herbert.
Magko-concentrate siya sa Salu at gusto niya maglagay ng branch dahil nakita niya na dinarayo ang resto nila dahil sa masarap na lafang.
Si Bianca Umali ang kinuha ng Xcess Salon na endorser sa nasabing salon ni Freddie.
Si Bianca ang babaeng Badyaw sa seryeng Sahaya na primetime series sa GMA-7.
Personal…
Tapos na po ang election, congratulations sa lahat ng mga nanalong kandidato sa ibat-ibang position na inaasahan na magsisilbi sila sa mga taong pinangakuang hahanguin sa hirap. Kaya mga na-nalong senador, congressmen, mayor, vice-mayor, governor, councilor at iba pa, pagpalain po kayo ng ating Panginoong Hesukristo, huwag kalimutan ang mga ipinangako.
Samantala, Belated Happy Mother’s Day sa mga ina, mahirap man o mayaman pag nahihirapan, pray lang, dinig ni Lord God ang ating daing. To Mama Mary, Pray for us!
- Latest