Pelikulang Pilipino namamayagpag sa international film festivals
Patuloy ang pamamayagpag ng ating mga pelikulang Tagalog sa mga international film festival. Pinaka-huling apat na pelikulang Pinoy ang namayagpag sa Worldfest-Houston Film Festival ay ang Quezon’s Game, Rainbow’s Sunset, School Service, at Judgment, isang short film na nanalo ng Gold Remi Award.
Ang Worldfest-Houston ang oldest independent film festival sa mundo at pang-3rd longest running filmfest sa North America.
Gerald nagulat na hindi alagain si Julia!
Hindi naging dahilan ang pagkakaroon ng sari-sarili nilang lovelife para hindi gumanda ang pagpapareha nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa pelikulang Between Maybes.
Si Gerald pa ang unang nag-alala na baka hindi sila bumagay na magkapareha, siguro dahilan sa age difference na hindi naman masasabing malayo ang agwat (both are in their 20s) kung hindi sa mga ginagampanan nilang roles sa TV at maging sa movies.
Mabilis din nagkahulihan ng loob, siguro dahil iilan lamang silang magkakasama na pumunta ng Saga, Japan para magshoot ng movie and they have only each other to depend on, to talk to, to ask help from. Si Gerald madaling bumilib sa kanyang kapareha na akala niya ay alagain, hindi pala dahil parang cowboy si Julia, hindi maarte at sa halip na alagaan nila ay sila pa ang inalagaan. Nag-alala lamang siya sa simula dahil pinakabata si Julia sa mga nakapareha niya. Iba ang expectation niya sa naging kaganapan sa pagsasama nila. Kahit nahirapan siyang maka-relate sa role na ginagampanan niya dahil ibang-iba ito sa personalidad niya, pero yung pagtatrabaho nila ay naging madali sa kanila. “Akala ko di kami bagay, yun pala mayro’n kaming natural chemistry. Yung mga sumunod na pagtatrabaho in two weeks came in easy na,” paglalahad ng aktor na kahit andyan si Bea (Alonzo) ay tinatanggap sa maraming nakapareha na niya (Kim Chiu, Pia Wurtzbach at Arci Muñoz).
Vico walang kabalak-balak sa showbiz
Isa pa sa nadagdag na eligible bachelor sa ating local showbiz ay ang bunso nina bossing Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto, tumatakbo bilang mayor ng Pasig City. Isang abogado ang anak ng dating showbiz couple na hindi man nagkatuluyan ay nananatiling mabuting magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang anak.
Malapit si Vico sa lahat ng kanyang mga kapatid, sa panig ng kanyang ama (Danica, Oyo, Paulina Sotto) at kina LA at Carla, sa panig naman ni Coney.
Mahirap ang laban ni Vico sa tinatakbo niyang posisyon dahil mga dati nang naninilbihan sa Pasig ang pamilya na binabangga niya, pero maraming magagandang pagbabago ang iniaalok niya sa mga taga-Pasig na maari nilang i-consider. Binata pa ang anak na ito ng dalawang artista pero walang kabalak balak na pasukin ang mundo ng aliwan na kumilala sa kanyang mga magulang kaya nga siya isang public servant kesa artista.
- Latest