^

Pang Movies

Nanay ni Jake Zyrus may bago na namang pasabog!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nanay ni Jake Zyrus may bago na namang pasabog!

May panibagong pasabog na naman si Racquel Pempengco na nanay ni Charice Pempengco o Jake Zyrus na ngayon. Kaya lang naman daw nakapag-aaral ngayon iyong si Alyssa Quijano ay dahil binigyan iyon ng pera ni Jake para maituloy ang kanyang pag-aaral. Si Alyssa raw mismo ang ayaw mag-aral noong panahong iyon kaya inilagay na lang sa bangko ang perang ibinibigay ni Jake.

Hindi pa sinasagot ni Alyssa ang mga alegasyon ni Racquel, pati ang sinasabi niyang sana huwag nang gamitin ang pangalan ng kanyang anak para sumikat ang da­ting girlfriend noon. Iyang si Alyssa ang dahilan kaya lumantad nang husto si Jake Zyrus na siya nga ay lesbian, at nagsama silang dalawa na ikinagalit naman ng kanyang pamilya, lalo na ng nanay niyang si Racquel.

Noon pa mang una, sinasabi niyang mali ang kanyang anak sa pakikisama kay Alyssa, dahil sinisiraan pa nga noon si Jake nang panahong magkalaban pa sila sa mga amateur contest, pero hindi nakinig sa sinasabi niya noon si Charice, nakisama pa rin kay Alyssa at humiwalay sa kanyang pamilya. Kaya siguro ganyan katindi ang galit ni Racquel kay Alyssa.

Hindi rin naman nagbalik sa kanyang pamilya si Jake nang mahiwalay kay Alyssa. Ngayon ay nakikisama na naman sa bago niyang girlfriend na kinilalang si Shyre Aquino, na sinasabi pa niyang pakakasalan niya sa kung saan man maaaring pakasal ang dalawang babae.

Pero siguro nga natural lang na mas malaki ang galit ni Racquel sa nauna, kasi iyon talaga ang dahilan ng paghiwalay ni Jake sa kanila, iniwan sila nang tuluyan nang halos wala nang sustento kahit na kumikita pa iyon noong araw.

Kristoffer King pinanalo sa isang festival kahit patay na

Nagulat daw iyong audience nang malamang ang nanalong best actor sa isang festival ng mga pelikulang indie, si Kristoffer King ay patay na. Kami nga nagulat din eh, kasi hindi namin alam na may ganoon palang pelikula. Naipalabas man lang ba ang pelikulang iyon sa mga sinehan?

Marami sa mga pelikulang ganyan ang naipapalabas lamang kung sila ay may festival, nagkakaroon ng isa o dalawang screening lamang sa isang araw, at tapos ay wala na. Mukha namang happy ang mga director ng mga pelikulang iyan, na karaniwang siya ring producers dahil hindi naman nila hangad na kumita, gusto lamang nilang makilala bilang director at manalo ng awards.

May suggestions kung papaanong mas mapapaganda ang mga pelikulang iyan, pati na ang pagkuha ng “script doctors” para mas maging kumersiyal, pero ayaw nila na pakikialaman ang mga kuwento nila na sila rin mismo ang guma­gawa. Kaya nga nakakagulat, may ganoon pala.

Horror films tagilid sa ‘infinity stones’

Kailangang magdasal na. Lumakad kaya ng paluhod sa simbahan ng Baclaran at Quiapo at magtirik na ng kandila ang mga susunod na pelikulang ipapalabas.

Iyong isang horror film na tagalog na palabas ngayon, naghingalo na sa takilya sa unang araw pa lang. Nasagasaan din ng “infinity stones”.

Iyang mga kasunod na pelikulang horror, dapat iurong na para sa Halloween, dahil tiyak iyon gigibain din iyan ng gauntlet na may infinity stones.

Sayang lang, maghihilahod din sila sa takilya.

RACQUEL PEMPENGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with