Bashing wala nang epekto…
Mea culpa uli. So sorry na pumatol ako sa mga nag-comment ng negative o bashers eh Holy Week pa naman.
Naisip ko, dapat I should be the bigger one, the walking tall dahil 72-years-old na ako at halos 50 years na sa showbiz. Dapat, I took the high road.
Naisip ko na kahit ano pa ang bashing ang gawin sa akin, hindi na mabubura ang mga post ko, hindi na malilimutan ang mga 81K plus followers ko sa Instagram na nagbibigay ng panahon sa akin.
No harm done, okey na kung anuman ang sabihin nila na mamatay na sana ako, matanda ako na mukhang pera, o lahat ng mura na gusto nila.
But I don’t and I never, ‘yung accusation nila na nagpapaawa school of acting ako, na ginagamit ko ang word na respect.
I never asked anyone for respect, I will never asked anyone for ‘awa’ or make ‘paawa’. Hindi bagay sa akin ang persecution complex ha ha ha.
I am totally enjoying everything kahit ang bashing dahil dapat talaga open-minded ka kapag may social media account ka.
So, promise, babasahin ko na lang ang lahat ng comments and I will pray na sana, maging Super Mega Star for All Seasons mga idolo nila.
Mapatunayan sana nila ng makakaya nila na bumangga sa pader dahil influential fans sila at sana marunong na sila na magmura ng may class.
Huwag ‘yung masyadong jologs na mukhang galing sila sa basurahan, ha ha ha! Okey, go! The heat is on, no harm done, make my day!
Notre-Dame Cathedral bahagi na sa buhay maraming Pinoy sa Paris
Sad pa rin ang aking Paris-based friend na si Babette Aquino-Benoit dahil sa pagkasunog ng Notre-Dame Cathedral.
May reason para malungkot ang Tita Babette na mahal ng mga Pinoy sa Paris dahil bahagi na ng buhay niya ang Notre-Dame Cathedral.
Matagal nang naninirahan sa Paris si Babette na relative ni Dra. Vicki Belo at malapit lang ang bahay niya sa presidential palace na napuntahan ko noong February 2011.
Original na sosyal si Tita Babette pero napakabait niya dahil siya ang takbuhan ng mga Pinoy na pumupunta sa Paris at nangangailangan ng tulong.
Ngayon naman, si Tita Babette ang humihingi ng tulong sa pamamagitan ng dasal.
“Please let us continue to pray for Paris. We are so sad but by God’s grace and us have faith in Christ, nothing is impossible with Him. Notre-Dame will be rebuild,” ang prayers ni Tita Babette.
Dingdong tapos na agad ang limang taon sa GMA
Naramdaman ko na naman ang mabilis na takbo ng panahon dahil pipirma na uli si Dingdong Dantes ng exclusive contract niya sa GMA Network Inc. pagkatapos ng Easter Sunday.
Parang kailan lang nang mag-renew si Dingdong ng kontrata niya sa Kapuso Network noong September 2013.
Ginanap ang contract signing sa Manila Polo Club at natatandaan ko na good for five years ang exclusive contract na pinirmahan ni Dingdong.
Imagine, five years na pala ang nakalilipas mula nang mag-renew si Dingdong ng kontrata na nag-expire noong September 2018.
Nang pumirma si Dingdong ng kontrata sa Manila Polo Club, binata pa siya dahil hindi pa sila ikinakasal ni Marian Rivera. Ngayon, dalawa na ang kanilang anak. How time flies, indeed! Congrats Dingdong na forever loyal star ng Kapuso Network!
- Latest